Ryza Cenon, naging emosyonal habang ikinukwento ang naging karanasan nya bago at matapos maipanganak ang kanyang baby na si Night

Ang pagiging isang ilaw ng tahanan ay hindi madali, ngunit ang masilayan ang munting mga ngiti at mala anghel na mukha ng kaniyang anak ay tila’y nagpapagaan sa kaniyang pakiramdam.

Bilang isa na rin sa mga celebrity mom ngayon, hindi maitago ang kasiyahan at excitement para sa aktres na si Ryza Cenon matapos niyang ibahagi sa publiko ang kaniyang mga pinagdaanan noong pinagbubuntis niya pa lamang si Baby Night.

Credit: @iamryzacenon instagram

Ika-37 weeks pa lamang ni Ryza ng siya ay muling nagpacheck-up sa kaniyang OB doctor, at isa nga sa mga in-advise sa kaniya ay magpa Swab test upang malaman kung saang kwarto siya ilalagay.

Naging negatibo man sila sa naturang test ng kaniyang kasintahan na si Miguel Antonio Cruz, hindi naman naging madali para kay Ryza ang hirap na kaniyang pinagdaanan noong siya ay nagla-labor pa lamang.



Credit: Real Ryza Cenon on Youtube

Kwento pa ng aktres na habang nasa labor room pa lamang siya ay labis na ang pagka-inip ang kaniyang naramdaman, lalo na at halos 13hours ang itinagal ng kaniyang pagle-labor.

At ang pagdating ng hudyat na siya ay dadalhin na sa delivery room, ito naman ang naging isa sa mga most challenging part para sa aktres dahil sa hirap, pagod at sakit na kaniyang naramdaman ay ito din ang oras na paunti-unti na siyang pinanghihinaan ng loob.

Credit: Real Ryza Cenon on Youtube

Sa kabila man ng naramdaman ay hindi naman ito hinayaan ng mga taong nakaalalay sa kaniya at ipinakita ni Miguel at ng kaniyang OB doctor ag kanilang labis na suporta para sa aktres.

“Sinasabi ko sa doctor ko na ayoko na, tapos si Dada andun sinasabi niya na you’re doing good, kaya natin yan, kaya mo yan! Dito lang ako, di ako aalis.”

Credit: Real Ryza Cenon on Youtube

“Sinasabi ng OB ko ‘wag ka umiyak, ‘wag ka umiyak. Kaya mo yan, i-try pa natin last na ‘to.”

Kaya naman ang pagdating ng 5:09 ng umaga ng October 31 ay ang naging hudyat ng pagsilang ng napaka cute na si Baby Night, na siyang isa sa mga naging most memorable day para kay Ryza.

Bilang isang first time mommy, hindi napigilan ng aktres ang pagiging emosyonal nang ibahagi nito ang kaniyang post-partum stage experience.

“Nafi-feel ko na parang hindi ko, hindi ko maibigay kailangan ng anak ko. Ewan ko, minsan malungkot ako, pero madalas naman masaya ako especially pag nakikita ko si Night. Pero kapag hindi ko nagagawa yun ng tama, nalulungkot ako.”



Credit: Real Ryza Cenon on Youtube

Bilang isang ina, labis ang naging pasasalamat niya sa mga taong umalalay at gumabay sa kaniya na harapin ang lahat ng ito ng may kasama.

“Iba talaga pag may support system ka. Kasi kapag ikaw lang mag-isa, parang mababal!w ka talaga. Kasi hindi mo alam anong gagawin,”

The post Ryza Cenon, naging emosyonal habang ikinukwento ang naging karanasan nya bago at matapos maipanganak ang kanyang baby na si Night appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments