LJ Moreno, natuwa at namangha sa dami ng high-tech features ng kanilang bagong bili na sasakyan

Tila`y bahagi na nga ng buhay ng bawat Pilipino ang araw-araw na pagsugod sa haba at tindi ng trapiko, mapa EDSA man o lansangan.

Kaya kung ikaw ay may sasakyan, tiyak na ikaw ay mahihirapan makipagsisiksikan sa kalsada, at kung ikaw naman ay isang pasahero ang oras na nasasayang ay tiyak na iyong panghihinayangan.

Credit: Alapag Family Fun Youtube

Matindi man ang nararanasang trapiko kung saan ka man magpunta, ang pagkakaroon ng sariling sasakyan ay tila`y ibang usapan na.

Ngayon na masayang naninirahan ang pamilyang Alapag sa America, nagsilbi naman itong panibagong simula para sa kanilang pamilya.



Credit: Alapag Family Fun Youtube

Kung ang kanilang paninirahan sa ibang bansa ay blessing in disguise, ngayon naman ay maituturing na blessing ang pagbili ng aktres na si LJ Moreno ng bagong sasakyan na siyang bago niya umanong “Baby” na siyang gagamitin nila ng kaniyang pamilya.

Credit: Alapag Family Fun Youtube

Sa panibagong video na ito ng Alapag Family, ay makikita ang kanilang pagpunta sa US branch ng Honda cars upang pumili at bumili ng magandang sasakyan.

Nakasama ni LJ ang kaniyang asawa na si Jimmy Alapag, kanilang mga anak na sina Ian, Keona, at Calen at ang pinsan ni LJ na si Sugar.

Credit: Alapag Family Fun Youtube

Matapos makapili sina LJ ng sasakyan na kaniyang bibilhin, ay kaniya itong sinubukan paandarin at kapansin-pansin naman ang pagkamangha ng aktres dahil sa pagka high-tech nito.

Sa tulong ng kaniyang highschool friend na si Mike na siyang isa sa mga nag-assist sa kaniya sa pagmamaneho, ay itinuro nito ang mga kailangan gawin at ipinakita ang kakaibang features ng sasakyan, magmula sa wireless charging port nito, butt warmer at pati manibela ay may heater din.

Credit: Alapag Family Fun Youtube

Dahil sa labis na excitement ni LJ para sa bagong Baby nya na ito, ay hindi na siya nagdalawang isip at kaniyang binili na ang napiling sasakyan.

“We brought home a new baby today! So excited to buy a new car and I was so in awe with its features. Crazy how cars are so high tech now.”



Credit: Alapag Family Fun Youtube

Sa pagtatapos ng video ay pinasalamatan ni LJ ang mga taong nag-assist at tumlong sa kaniya upang mabili ang kaniyang bagong sasakyan.

“Shout out to the kuyas in the dealership who helped us out and assisted all the way.”

The post LJ Moreno, natuwa at namangha sa dami ng high-tech features ng kanilang bagong bili na sasakyan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments