Pambansang Kolokoy na si Joel Mondina, masayang nakalaro ng basketball ang napakagaling na player na si Jimmy Alapag

Isa sa mga talagang sikat na vloggers o Youtubers ngayon ay ang Pambansang Kolokoy na si Joel Villanueva Mondina. Si Joel ay mayroon ng 1.79 million subscribers ngayon sa kanyang Youtube Account.

Naging usap-usapan ang kanyang vlog na kung saan nasubok ang kanyang basketball skills sa isang laro.

Credit: Pambansang Kolokoy Youtube

Bago ito napasabak sa isang hamon ay gumawa muna ito ng sariling version ng sikat na “Me and my Jowa” at pinalitan ng “Me and my Tropa” na talagang tatawa ka sa mga pakulo at jokes ng Pambansang Kolokoy.



Credit: Pambansang Kolokoy Youtube

Pagkatapos nito ay pumunta na sila sa court upang makahanap ng makakalaro ng basketball.

Kaya tawang tawa ang mga netizens dahil noong una ay hindi akalain ni Pambansang Kolokoy na si Jimmy Alapag, isang napakagaling na basketball player, ang makakatapat niya sa basketball showdown. Itong kanilang game ay race to 7.

Credit: Pambansang Kolokoy Youtube

Sa unang parte ng kanilang laro ay nanguna talaga si Pambangsang Kolokoy nang magpaulan siya ng 2 sunod na points at nagbiro pa ito na siya nag pinupulikat.

Umarangkada pa ito ng hanggang 5 points na talagang ipinakita ang kanyang galing sa basketball. Ngunit pagkatapos nito ay nakadikit si Jimmy at tumabla ang score sa 5 points.

Credit: Pambansang Kolokoy Youtube

At kalauna’y nanalo din si Pambansang Kolokoy nang maka dalawang sunod na puntos ito.

Kaya naman, todo ang saya ni Pambansang Kolokoy ngunit sobra din ang pagod at hingal nito matapos ang game.

Ito ang ilan sa mga komento ng kanyang mga fans sa napanood na vlog.

“Idol Joel Pambansang Kolokoy I love you thank you so much po sa mensahi niyo po sa akin idol God bless you idol.”



Credit: Pambansang Kolokoy Youtube

“The introduction and meeting mr. Jimmy Alapag😀😀.walang kupas Nice match👏👏congrats p.kolokoys,,stay safe everyone.”

“Here we Go😎😎😎🔥🔥🔥 Ang Galing Idol PK nakalaro si Idol Jimmy Alapag💪💪😎😎🔥🔥🔥

The post Pambansang Kolokoy na si Joel Mondina, masayang nakalaro ng basketball ang napakagaling na player na si Jimmy Alapag appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments