Ivana Alawi at Mimiyuuuh, magkasamang pumasyal sa Tagaytay sakay ng isang helicopter at kumain sa isang sosyal na restaurant

Isa na namang kapana-panabik na eksena ang iyong matutunghayan, dahil muli na namang pinatawa ng aktres at sikat na YouTube vlogger na si Ivana Alawi ang mga netizens sa kaniyang video na in-upload kamakailan lamang.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Nakilala si Ivana hindi lamang sa kaniyang angking ganda at magandang pangangatawan, siya din ay isa sa mga tinuturing na greatest prankster dahil sa kaniyang husay sa pagpaprank kundi pati na rin ang pagsubok sa ilang mga exciting challenges.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Kaya naman sa pagkakataong ito ay hindi ang kaniyang pamilya ang siyang iyong makikita, dahil isa rin sa mga sikat na vlogger ang kaniyang nakasama sa video na walang iba kundi si Mimiyuuuh.

Sa video na ito ni Ivana ay isang Tagaytay trip naman ang kaniyang ginawa kasama si Mimiyuuuh, at hindi lang basta ang pagpunta doon ang kanilang ginawa kundi ay nagpaka sosyal din ang dalawa.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Sakay-sakay ng isang Private helicopter, ay kanilang tinungo ang Tagaytay upang magkwentuhan at matikman ang ilang mga pagkain na hindi pa nila masusubukang kainin.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Pagsakay pa lamang nila sa helicopter ay matatawa ka naman sa naging reaksyon ni Mimiyuuuh, na tila’y tak0t na tak0t ito habang unti-unti ng lumilipad ang kanilang sinasakyan.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Pagdating sa Tagaytay ay kanilang tinungo ang isang Antonio’s fine dining restaurant, na kanilang balak kainan umano ng bulalo.

At ang kanilang tila’y challenge na maging sosyalera for a day ay naging challenging naman para sa kanila, dahil bukod sa kanilang mga kasuotan na siyang hindi naging angkop sa mainit na klima ngayon sa Tagaytay, ay ang mga pagkain naman na kanilang kakainin ay mahirap din umanong bigkasin.

Ngunit dahil kilalang palaban at hindi umaatras sa kahit anong challenge si Ivana at Mimiyuuuh, kanila pa ding sinubukan ang pagiging sosyalera for a day.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Isang masayang kwentuhan at asaran naman ang kanilang pinagsaluhan, at ang masasarap na pagkain na nakahain sa kanilang harapan ang siyang nagbigay kaligayahan sa kanilang Tagaytay trip.

Ito man ang unang beses na nakasama ni Ivana si Mimiyuuuh sa kaniyang vlog, naging masaya naman ang kanilang experience na magkasama.

The post Ivana Alawi at Mimiyuuuh, magkasamang pumasyal sa Tagaytay sakay ng isang helicopter at kumain sa isang sosyal na restaurant appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments