Marian Rivera, ibinahagi ang kanilang nakapagandang mga larawan kasama ang buong pamilya para sa nagdaang kapaskuhan

Muli nating balikan ang ilang kaganapan bago sumapit ang araw ng kapaskuhan, marami sa ating mga kababayan ang siyang naging excited at hindi napigilan ang labis na kasiyahan na makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Ang ilan sa kanila ay nagbakasyon at sinulit ang mga oras at panahon, habang wala pang pasok sa school at trabaho ngayon.



Credit: @marianrivera on Instagram

Kaya naman ang isa sa mga tinagurian at hinahangaang ‘Solid Fam’ na pamilyang Dantes ay hindi rin nagpahuli at nakisabay din sa masayang selebrasyon na pinaka hinihintay ng lahat.

Labis man ang pag-iingat, hindi naman ito naging hadlang para sa kanilang pamilya na iparamdam ang kanilang masayang pagbati ng Merry Christmas, sa kanilang mga fans at supporters.

Credit: @marianrivera on Instagram

Tulad din ng ilang mga celebrities, gumawa din ng isang Holiday-theme na photoshoot sina Marian Rivera, Dingdong Dantes at ang kanilang mga anak na sina Ziggy at Zia.

Sa kanilang magkahiwalay na Instagram, ay makikita ang kanilang masayang family pictures na magkasama at ang masasayang ngiti na makikita sa kanilang mga mukha.

Credit: @marianrivera on Instagram

Ngunit hindi lang ang kanilang family pictures ang siyang nakapukaw ng atensyon ng mga netizens, kundi pati na rin ang mga cute pictures nina Zia at Ziggy na siyang kinagiliwan ng publiko dahil sa kanilang angking ganda at kagwapuhan na makikita sa kanilang mga larawan.

Credit: @marianrivera on Instagram

Unahin na natin ang poging larawan ni Baby Ziggy na makikitang nakasuot ito ng blue polo at white shorts at ang mala heartbreaker smile nito na siyang kinagiliwan ng karamihan.

“My Sixto… 😍 Thank you Sofia @storkstudio for capturing this precious moment! ❤


Sumunod naman ay ang napakagandang larawan ni Zia, mula sa kaniyang puting dress na kasuotan na binagayan ang kaniyang Mommy Marian.

“Ate please don’t grow up too fast… Happy Holidays from Ate Z 🎄 @storkstudio.”




Hindi man nakapagbakasyon dahil sa p@ndemy@ng nararanasan ng bansa, ang maging ligtas kasama ang buong pamilya ay sapat na upang ipagdiwang ang Kaniyang kapanganakan.

The post Marian Rivera, ibinahagi ang kanilang nakapagandang mga larawan kasama ang buong pamilya para sa nagdaang kapaskuhan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments