Dani Barretto, ipinasilip ang kanilang bagong bahay na puno ng napakagandang mga kagamitan

Ipinasilip ni Dani Barretto ang bahay nila ng kaniyang asawa na si Xavi Panlilio sa kaniyang Youtube Channel. Sa kanilang House tour ay ipinakita nila ang kanilang bahay na saktong sakto lamang ang laki para sa mag-asawa.

Ayon sa mag-asawa ay nabili na nila bago pa sila magpakasal ang lupa na tinatayuan ng kanilang bahay at 2 years ago nangyari ang construction ng kanilang bahay.

Credit: Dani Barretto Youtube

Pagkapasok mo ng kanilang bahay ay sasalubungin ka ng kanilang main area. Sa main area nila ay mayroong isang magandang couch at ayon sa kanila ay ang couch na iyon ay napaka special para sa kanila dahil ito ang unang una nilang nabiling furniture bilang mag-asawa.



Credit: Dani Barretto Youtube

Sa sobrang importante ng couch na iyon sa kanila ay napagdesisyunan nila na ang disenyo ng kanilang first floor ay babagay sa couch na iyon. Lahat umano ng furniture sa kanilang bahay ay ibinenta pwera lamang sa couch na iyon.

Credit: Dani Barretto Youtube

Ang paboritong lugar umano ni Dani sa kanilang bahay ay ang bar area na dati ay dapat magsisilbi itong open kitchen ngunit ayaw umano nila ng open kitchen dahil tuwing nagluluto ay nangangamoy ang buong bahay nila.

Credit: Dani Barretto Youtube

Ang refrigerator nila ay isang LG knock-on fridge na kung saan ay kakatok ka lamang sa screen at makikita mo na ang nasa loob ng ref. Ayon sa kanila ay iyon umano ang kanilang pangarap na ref kahit noong sila ay magkasintahan pa lamang.

Credit: Dani Barretto Youtube

Sa bahay nila ay makikita ang maraming mga paintings na gawa ng mga local artists. Sa master’s bedroom naman nila ay napakasimple lamang at matuturing itong minimalist. Mayroon ring walk-in closet.

Ayon kay Dani na ang kaniyang best friend na isa ring Architect ang nagdisenyo ng interior ng kanilang bahay. Ang bahay nila ay maraming mga wood accents at ang kulay ng bahay nila ay white at beige.



Credit: Dani Barretto Youtube

Si Dani Baretto ay ang anak nina Marjorie Barretto at Kier Legaspi. Ikinasal si Dani Barretto at Xavi Panlilio noong Abril 23 taong 2019.

The post Dani Barretto, ipinasilip ang kanilang bagong bahay na puno ng napakagandang mga kagamitan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments