Jinkee Pacquiao at Ruffa Gutierrez, masayang ibinahagi ang kanilang mga larawan kasama ng kanilang pamilya habang nasa isang dinner

Kung tibay at totoong pagkakaibigan lang din naman ang pag-uusapan, hindi magpapahuli diyan ang friendship na nabuo sa pagitan ng aktres na si Ruffa Gutierrez at ang butihing maybahay ni Senator Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao.

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na ang pamilyang Gutierrez at Pacquiao ay isa sa mga mabuting magkaibigan na siyang mapapansin sa bawat bisita sa kanilang family gatherings ay hindi maaaring hindi sila makita.

Credit: @iloveruffag on Instagram

Dahil ipinagbawal muna ang mga engrandeng selebrasyon ngayon dahil sa pandemya, minabuti ng dalawang pamilya ang makipagbonding at makipagkwentuhan ng magkakasama mula sa isang dinner set-up na kanilang ginawa sa bahay ng pamilyang Pacquiao.



Credit: @jinkeepacquiao on Instagram

Sa larawang ibinahagi ni Jinkee sa kaniyang Instagram, ay makikita ang masayang family dinner na kung saan ay makikitang nakasama ang ina ni Ruffa na si Anabelle Rama, mga anak nito na si Venice at Lorin.

“Salamat sa pagbisita kagabi! ♥♥♥ @iloveruffag @annabelleramaig @loringabriella @venicebektas”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)


Sa isang banda naman ay nakasama rin ni Jinkee ang kaniyang panganay na anak na si Jimuel Pacquiao.

Makikita sa larawan na isang Japanese dinner set-up ang kanilang pinagsaluhan, at kapansin-pansin din ang mga makukulay na withered plants na nagsilbing palamuti sa kanilang hapag-kainan.

Credit: @iloveruffag on Instagram

Matapos ang ilang buwan na pamamalagi sa loob ng bahay, ay naging daan naman para sa kanilang pamilya upang gamitin ang pagkakataon na ito na makipagkwentuhan at makipag bonding bilang isang pamilya.

Credit: @iloveruffag on Instagram

Sa naturang post naman ni Ruffa sa kaniyang Instagram ay makikita ang caption nito at ang naging pasasalamat niya sa mainit na pagtanggap nila Jinkee sa kanilang pamilya sa bahay nito sa Makati.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)


“It’s the most wonderful time of the year 🎄 Thank you for welcoming us in to your beautiful home @jinkeepacquiao ❤



Sa muling pagbalik nina Jinkee sa kanilang tahanan sa General Santos City, ay isa namang sweet message ang ipinaabot ni Ruffa sa kanilang pag-uwi.

“Have a safe flight. Ingat! See you in January! ❤😘

The post Jinkee Pacquiao at Ruffa Gutierrez, masayang ibinahagi ang kanilang mga larawan kasama ng kanilang pamilya habang nasa isang dinner appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments