Kristine Hermosa at Oyo Sotto, hindi naipaliwanag ang tuwa nang malaman na magkakaroon sila muli ng panibagong anak

Ilang araw na lang ay muli na naman matatapos ang taong ito para sa bawat isa sa atin.

Marami man ang nagnanais na matapos na ang taong ito at simulan ang panibagong taon ng may ngiti at puno ng pag-asa, sa kanilang pamilya, may ilan naman na hindi pa man nagsisimula ang year 2021, ay may panibagong biyaya na ang naghihintay.

Credit: @osotto Instagram

Isa na nga dyan ang mahusay na aktres at celebrity mom na si Kristine Hermosa matapos i-anunsyo nito sa kaniyang Instagram account ang isang magandang balita patungkol sa kaniya.

Tila`y kumpirmado nga na si Kristine ay ganap na buntis ulit sa kanilang ikalimang anak ng kaniyang asawa na si Oyo Boy Sotto.



Credit: @khsotto Instagram

Mula sa post na ito ni Kristine, ay makikita ang isang pregnancy test na may 2 pulang linya sa gitna na siyang nagsasabi na siya ay positibong buntis, at ang larawan ng kaniyang sonogram ng siya ay magpatingin sa doctor.

Ang magandang balita na ito ay tila`y isang maagang pamaskong regalo at anniversary gift na rin para sa kanila ni Oyo.

Credit: @khsotto Instagram

“I love you Oyo, Kiel,Dre,Kaleb,Vin & Baby in my belly Best Christmas and Anniversary gift from above 🙏🏻❤

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristine Hermosa-Sotto (@khsotto)


Sa caption ng aktres ay makikita ang labis na kasiyahan nito at ang kaniyang naging pasasalamat sa Panginoon, para sa malaking biyaya na Kaniyang pinagkaloob sa kanilang pamilya.

“Another answered prayer🙏🏻💕 Salamat God sa mga pahabol na sorpresa ngayong taon. ☺🎁 Thank you Lord for sustaining us this entire year.. pati rin sa mga nakaraang taon at sa buong buhay namin at ng mga anak namin. You are faithful God. 💕 kung wala ka, di namin alam kung saan kami pupulutin. 🥺🙏🏻 All glory to you God. Salamat sa pagmamahal mo sa amin. ❤ I LOVE YOU SO MUCH JESUS —”



Credit: @osotto Instagram

Sa masayang balita na ito ni Krisine ay umani din naman ito ng maraming papuri at pagbati mula sa kaniyang mga nakasama sa showbiz noon patungkol sa pagbubuntis ng aktres ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Oyo Sotto (@osotto)


“Yay! Congrats Ate Tin and Oyo @khsotto @osotto 😇🙏💕💕

“Congratulations wohooo @khsotto @osotto 😍🎉🙏

“Congratulations sis! 😍🙏

The post Kristine Hermosa at Oyo Sotto, hindi naipaliwanag ang tuwa nang malaman na magkakaroon sila muli ng panibagong anak appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments