Pokwang, natawa sa naging reaksyon ng kanyang anak na si Malia matapos makarinig ng doorbell

Sa kaniyang mala espasol na kutis, gandang mukha at cute na personality, naging daan ito sa maraming netizen na siya ay panggigilan sa pagiging inosente nito na siyang nakapukaw ng atensyon ng publiko.



Credit: @malia_obrian instagram

Bilang isa sa mga kilala na kids internet sensation ngayon at tinaguriang ‘Tisay ng Masa’, marami pa din sa atin ang hindi mapigilang mamangha sa bawat linya na binibitawan nito sa tuwing kasa-kasama nito ang kaniyang ina, na isang komedyante at aktres na si Pokwang.

Matapos isilang ni Pokwang ang kaniyang bunsong anak na si Malia O’Brian, hindi naman ipinagkait nito na lubusang makilala ng publiko si Malia at masaksihan ang bawat milestone na nagagawa nito kahit sa murang edad pa lamang.

Credit: @malia_obrian instagram

Sa edad nito na 2 taong gulang, ay hindi pa rin maiwasan ni Pokwang na mamangha at magulat sa bawat reaksyong ipinapakita ng kaniyang anak, at tila’y may mga pagkakataon din na parang matanda na ito kung kumilos at magsalita.

Tulad na lamang ng video na ibinahagi ng aktres sa kaniyang socmed account, makikitang kasama nito si Malia, habang siya ay nakaupo at inaayusan ng kaniyang hairstylist.

Credit: @itspokwang27 instagram

Mula sa naturang video ay kapansin-pansin ang pagiging madaldal ni Malia at makikitang parang may kinakausap ito habang nakafocus ang kamera sa kaniya.

At sa kaniyang di pa maayos na pananalita, makikita naman ang hawak-hawak nito na face powder at isang make-up brush, habang nakaupo sa lap ng kaniyang Mommy Pokwang.



Credit: @itspokwang27 instagram

At nang marinig ang pagtunog ng kanilang doorbell, ay tiyak na panggigilan mo naman ang cute na reaksyon nito na tila’y gulat na gulat ng marinig ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


Dahil dito ay hindi na napigilan ni Malia na mapatingin kay Mommy Pokwang na tila nagtatanong kung sino ang nag-doorbell.

Credit: @itspokwang27 instagram

Dahil sa pagiging madaldal at cute na reaksyon na namutawi sa mukha ni Malia, hindi naman napigilan ng ilang netizens at mga katrabaho ni Pokwang sa showbiz ang panggigilan ang kaniyang anak, na makikita sa kanilang naging kumento sa naturang post nito.

“HAHAHAHAHAHAHAHAHA MALIAAAAAa 😂 Hay nakakaHAPPY!!!!b😍

“Ikaw na ikaw reaksyon sa doorbell eh 😊

“Cuuuuute!!!”

Credit: @itspokwang27 instagram

“Maliaaaaa –Cute cute!”

“Ganda ❤❤❤

Isinilang ni Pokwang si Malia noong January 18, taong 2018.

Bukod kay Malia, ay may isa pang anak din si Pokwang ang kaniyang panganay na si Ria Mae Subong.



Credit: @itspokwang27 instagram

Masaya naman ang puso ngayon ni Pokwang kasama ang kaniyang mga anak at kasintahan na si Lee O’Brian.

Kasalukuyang mapapanood si Pokwang sa variety show sa TV5, ang Chika Besh na nakasama rin nya dito bilang co-host ang aktres na sina Pauleen Luna at Ria Atayde.

The post Pokwang, natawa sa naging reaksyon ng kanyang anak na si Malia matapos makarinig ng doorbell appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments