Sa kabila ng hagupit na iniwan ng bagyong Ulysses, karamihan sa mga Pilipino ngayon ay nasa ligtas ng mga lugar at ang iba naman ay patuloy pa din ang paghingi ng sakl0lo upang sila ay matulungan.
Kaya naman bilang isang huwarang mamamayan at makatulong sa kaniyang kababayan, hindi nagdalawang isip ang aktor na si Jericho Rosales at kaniyang asawa na si Kim Jones na tulungan ang mga pamilyang na-stranded sa Tumana, Marikina.
Bilang pagtulong sa mga rescuers, ibinigay nila ang kanilang mga surfboards upang gamitin pangsagip sa mga pamilyang hindi pa naililigtas sa kasalukuyang sitwasyon.
“This morning paglabas namin, baha na. Usually kapag baha dito kasi, ganyan talaga. Laging ganyan ang problema. Sometimes walang boats or flotation devices so naglabas kami ni Kim ng surfboard.”
Sa tulong ng kanilang mga surfboards maraming pamilya ang kanilang natulungan, ang iba ay naihatid na sa ligtas na lugar at ang iba naman ay hinihintay na lamang ang pagdating ng mga boats.
“Okay naman safe naman sila, thank God. May mga iba lang na hindi na mapuntahan nung rescueteams kasi malakas na ‘yung agos and wala pang boats.”
Matatandaan na hindi lang ito ang unang beses na tumulong ang aktor sa kaniyang mga kababayan, dahil noong manalanta ang Bagyong Ondoy ng taong 2009 ay kasama rin si Jericho, sa mga nag rescue sa kanilang subdivision.
Para sa aktor ay mas malakas ang pinsalang iniwan ng Bagyong Ulysses sa bansa kaysa sa pinsalang iniwang ng Bagyong Ondoy.
“Wala akong data or facts pero in a sense na hindi natin nalaman na tataas ng ganito [ang baha], mas malala ito para sa akin.”
Sa huli ay hangad pa rin ni Jericho ang buong kaligtasan ng kaniyang mga kababayan, pati na rin ang mga pamilyang labis na naapektuhan ng kalamidad na ito.
“Stay calm and siguro it’s too late now to complain or anything so mas maganda, kung tayo mismo in the future we can prepare. It’s always preparation para sa akin. Preparation ng mga nasa bahay and ng mga rescuers. Of course, support the rescuers. I hope they get enough funds for rescue. We get better warnings sana for the people para hindi na mangyari,”
The post Jericho Rosales, ipinakita ang magandang ugali at pagiging sobrang matulungin sa kapwa ngayong may dumaang bagyo appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments