Jessy Mendiola at Luis Manzano, masayang ibinalita na sila ay engaged na matapos ang 4 taon bilang magkasintahan

Kaakibat man ng bawat salitang “Yes o Oo”, ay responsibilidad na dapat gampanan at kailangan isaalang-alang, may ilan namang kapalit nito ay isang bagong simula sa buhay na iyong tatahakin at siyang magsisilbing pag-asa upang ang pagsasama ay mas patatagin pa.

Credit: @senorita_jessy on Instagram

Tila`y ang huling buwan na ito bago matapos ang taon ay isa sa maituturing na “most memorable month” para sa ilang mga celebrities, magmula sa mga unexpected blessing na kanilang natanggap ngayon.

Isa na nga ang celebrity couple na sina Luiz Manzano at Jessy Mendiola, na ang buwan na ito ay nagsilbing “Tamang Panahon” upang simulan ang kanilang relasyon na mas gawing exciting at kapana-panabik para sa bagong landas na kanilang tatahakin ng magkasama.



Credit: @senorita_jessy on Instagram

Sa loob ng 4 na taon nilang relasyon bilang mag boyfriend at girlfriend, ang matagal ng inaabangan ng karamihan na matamis na “Oo” sa bawat magkasintahang matagal ng sinubok ang katatagan ng pagsasama ay nangyari na.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy)


Ika nga ng iba, “Road to Forever” na nga ang masayang balitang inanunsyo ni Jessy at Luis sa kanilang Instagram, na siyang makikita sa larawan nilang magkasama ay ang napakagandang diamond ring na suot-suot ng aktres.

Sa larawan nilang ito ay makikitang nakasuot si Jessy ng isang blue dress, samantalang si Luiz naman ay nakasuot din ng coat na kaparehas ng kulay tulad ng sa aktres.

Credit: @senorita_jessy on Instagram

At kung titignan, ang panahon na ito ang naging hudyat para kay Luis na hingin ang matamis na “Oo” ni Jessy upang siya ay pakasalan at makasama habang buhay.

Hindi naman nagdalawang isip si Jessy at ang katanungan ni Luis na ‘Will you Marry Me?’ ay kaniyang sinagot ng “It`s a Yes!”.

Matatandaang Pebrero ng nakaraang taon nang sabihin ni Luis sa kaniyang mga past interviews na siya ay handa ng pakasalan si Jessy.

Credit: @senorita_jessy on Instagram

At ng sila ay tanungin kung kalian niya balak tanungin ang aktres, ang tamang panahon ang kaniyang naging kasagutan.

Ngayon na pabor na ang panahon para sa kanilang dalawa, hindi na pinalagpas ni Luis ang pagkakataong ito upang tanungin si Jessy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)


Mula sa masayang anunsyo na ito nina Jessy at Luis, umani naman ito ng pagbati mula sa ilang netizen at kanilang mga kaibigan at katrabaho sa industriya.

“Aaaayyyaaannn na!!! Congrats!!! ❤😍

“Congratulations guys 😍😍😍❤



Credit: @senorita_jessy on Instagram

“Ahh congrats!😻 And the hashtag is so good!🔥

“CONGRATULATIONS 😘😘😘 AYAN NA NGA!!!!!”

:Super congratulations lady and Kuya @luckymanzano 💪🏾💪🏾💪🏾💪🏾😊🤙🏾

The post Jessy Mendiola at Luis Manzano, masayang ibinalita na sila ay engaged na matapos ang 4 taon bilang magkasintahan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments