Marvin Agustin, masayang inalala ang naging pagsasama nila ni Jolina Magdangal bilang love team 23 taon nang nakalilipas

Lumipas man ang ilang dekada at nagdaang panahon ng muli tayong kiligin at ma-inlove sa tambalang Jolina Magdangal at Marvin Agustin, ay hindi pa rin kumukupas ang suporta at pagmamahal ng kanilang mga supporters.

Mula sa mga pelikula at teleserye na kanilang pinagbidahang dalawa, ay tiyak na mahuhumaling ka sa kakaibang chemistry na taglay nilang hatid sa mga manunuod simula pa lamang noon.



Credit: @marvinagustin instagram

At makalipas ng 23 na taon ng sila ay maging isang loveteam, isang mensahe ang ipinaabot ni Marvin kay Jolina, kasabay ng larawan na ibinahagi nito sa kaniyang Instagram account.

“Thanks labtim for 23 years of beautiful memories! Patamisin pa natin sa mga susunod natin projects at ating pagkakaibigan!👩‍❤️‍💋‍👨

Taken exactly 23 years ago!😍 Happy anniversary to our loveteam labtim👫


Makikita sa post ng aktor ang lumang litrato nila ni Jolina na magkasama at kapansin-pansin naman ang masasayang ngiti na mababakas sa kanilang mga mukha.

Matapos nito ay makikita naman ang naging sagot ni Jolina sa naturang post ni Marvin.

“Hahahahahahahahahahahahahaha!!!!! Naalala ko ito!!!!! Ittim ang sand”

Credit: @marvinagustin instagram

Sa tagal ng kanilang pinagsamahan bilang loveteam, marami pa din sa kanilang mga supporters ang siyang umaasa na muling masilayan silang dalawa sa telebisyon at sa harapan ng camera.

Sa kabila man ng pandemya na nararanasan ngayon ng bansa, binigyan naman ng kasiguraduhan ni Marvin ang kanilang mga supporters, na maaari pa rin silang masubaybayan sa kanilang mga gagawing Instagram Live.

“Tapusin muna po natin ang C0VID. Medyo priority po natin ngayon ay mabuhay tayong lahat. Huwag po kayong mag-alala, pwede naman kami mag IG Live at gawin namin ang mga eksena.”

Credit: @marvinagustin instagram

Bukod sa pagiging isang sikat na loveteam, hindi naman lingid sa kaalaman ng iba na si Marvin at Jolina ay isa din namang matalik na magkaibigan.



Kaya naman nang magdiwang ang aktres ng kaniyang kaarawan noong Biyernes, November 6, ay sinorpresa sya ni Marvin ng bumisita ito sa programa na kaniyang pinagta-trabahuhan ang “Ang Magandang Buhay”.

“Hindi mapipigilan ng social distancing ang pag surprise ko sayo. Happy birthday labtim!!!”

The post Marvin Agustin, masayang inalala ang naging pagsasama nila ni Jolina Magdangal bilang love team 23 taon nang nakalilipas appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments