Iya Villania, biniro ng kanyang asawa na si Drew Arellano dahil sa kanyang magandang bagong hairstyle

Ang buhok ng bawat kababaihan ay isa sa kanilang tinuturing na kayamanan, dahil bukod sa ito`y kanilang inaalagaan ay ito rin ang nagbibigay karagdagan sa kanilang angking kagandahan.

Kaya naman ng magkaroon ng pagkakataon ang Kapuso TV host na si Iya Villania-Arellano na mas pagandahin pa ang kaniyang buhok, ay kaniyang sinulit ang pagkakataon na ito upang ibahin ang kaniyang hairstyle.




At sa loob ng 18 na taon ng pangangalaga ni Iya sa kaniyang buhok ay naisipan niya na baguhin ang kaniyang hairstyle sa tulong ng kaniyang hairstylist na si Alex Carbonell.

Ayon sa aktres ay ipinagkatiwala niya ang kaniyang buhok kay Alex at panatag naman ang TV host na magiging maganda ang kalalabasan nito.

Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

“It’s been around 18 years with Alex! So I trust him to do anything with my hair!”

Pagkauwi ni Iya galing sa salon ay ipinakita niya agad ang kaniyang itsura sa panganay niyang anak na si Primo, at makikita sa mukha nito ang pagkadisgusto sa naging kinalabasan ng buhok ng kaniyang Mommy Iya.

“Do you like Mama’s hair?”

Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

At sa pagpunta naman niya sa kaniyang pangalawang anak na si Leon ay makikitang natitig lang ito sa kaniyang Mommy at tila`y walang reaksyon sa naging hairstyle ni Iya.

Nang magtungo naman sa kanila ang kaniyang asawa na si Drew Arellano ay kapansin-pansin ang ginawang pang-aasar nito sa kaniyang asawa.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Drew Arellano (@drewarellano)


“Papa likes it.”

Ngunit ang hindi alam ng TV host ay nabighani at nagustuhan pala ni Drew ang kaniyang bagong haircut at makikita ang birong caption nito sa kaniyang asawa, mula sa litrato ni Iya na ibinahagi nito sa kaniyang Instagram Account.

“Well, I guess she wants another baby.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Drew Arellano (@drewarellano)


Dahil sa nakakatawang caption ni Drew ay hindi naman napigilan ng ilang netizen pati narin ang ilang kasamahan nila sa showbiz ang matawa sa sinabi ni Drew sa naturang larawan ni Iya.

“Hahahaha!”

“That caption thoooo.”

Credit: Drew Arellano Instagram

“Hahaha! Baby #4 is waiving hot momma. 😍🔥🔥❤

“best caption!!!”

Bukod kina Primo at Leon ay ipinangak ni Iya ang kanilang bunsong anak na si Baby Alana Lauren noong July 18.



Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

Ikinasal naman si Iya at Drew noong taong 2014 sa Meditation Point, Kawayan Cove sa Nasugbu, Batangas.

The post Iya Villania, biniro ng kanyang asawa na si Drew Arellano dahil sa kanyang magandang bagong hairstyle appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments