Alex Gonzaga, ipinasilip ang kanyang masayang pamimili sa Tiangge kasama si Zeinab

Eto na nga ang pinaka inaabangan ng Netizens, ang mag collab si Alex at Zeinab sa isang vlog.

Ang video na ginawa nila ay namili si Alex ng mga damit para kay Zeinab sa halagang isang libo.



Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Pareho ngang may kalokohan si Alex at Zeinab pagdating sa paggawa ng kanilang mga videos. At hindi mo nga mapigilan ang pag tawa tuwing sila ay pinapanood.

Sa simula palang ng video ay matatawa kana sa dalawa dahil sa mga pinipili nilang mga damit, nag sukat pa nga sila ng mga under garments habang tawang tawa sa sarili. At sinusubukan rin nilang tumawad upang makabili ng maraming klase ng damit sa halagang isang libo.

Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Binilhan nga ni Alex si Zeinab ng daster dahil daw puro mga maiikli ang suot nito, kaya naman sinuot ito ni Zeinab habang nagaganap ang kanilang video na pamimili.

Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Nang maubos na ang isang libo, ay may pareho silang may nagustuhan na damit, At ibinigay naman ito ng libre ni kuya na nagtitinda. Kaya naman tuwang tuwa ang dalawa at nagpasalamat sila.

Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Nang malapit na nga matapos ang ginawang video ay gumawa ng katatawanan si Alex Gonzaga kung saan nag suot ito ng naka Jersey shirt at nag bonete pa nga ito ng kulay orange, habang nag sasayaw at nag rap sa harapan ni Zeinab. Nang asar pa nga si Alex ng ibigay ang pajama kay Zeinab at sinabi na “tig isa na raw sila.”



Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Matatandaan noon na nagkaroon nga ng issue si Zeinab at ang kanyang Ex boyfriend kasama si Ryssi Avila, kumalat nga noon ang mga video at letrato na suot ni Ryssi ang pajama ni Zeinab. Pinag initan nga ito ng mga fans ni Zeinab.

Sinabi naman ni Zeinab sa video na tapos na ang issue na yon at okay na sila.

The post Alex Gonzaga, ipinasilip ang kanyang masayang pamimili sa Tiangge kasama si Zeinab appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments