Ryza Cenon, inilahad ang dahilan kung bakit nagdesisyon sila na isa lang ang maging anak

Hangad ng bawat magulang ang makakabuti para sa kanilang mga anak.

Ganito mailalarawan ang pagiging isang newly celebrity mom na si Ryza Cenon matapos isilang nito ang kaniyang 1st baby boy na si Baby Night noong October 31.



Credit: @iamryzacenon instagram

At ngayon na maliit pa lamang ang kaniyang anak, hangad na ng aktres ang makakabuti para dito at ang naghihintay na future para kay Baby Night.

Isa na nga sa naging desisyon ni Ryza ay ang plano nila ng kaniyang kasintahan na isang cinematographer na si Miguel Antonio Cruz, ang huwag munang sundan si Baby Night at ituon ang kanilang atensyon at oras para sa kanilang anak.

Sa naging virtual presscon ng aktres sa Bella Bandida, ay sinabi niya dito ang kanilang naging plano ni Miguel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)


“Nag-decide kami na isa lang. Naisip namin na parang habang tumatagal, siyempre pamahal nang pamahal ang tuition fee. Yun agad ang nasa isip namin, di ba?”

Ayon sa aktres ay nagiging praktikal lamang sila ng kaniyang kasintahan, dahil bukod sa unti-onting pagtaas ng mga bilihin ay ang pagtaas din ng mga tuition fees, na siyang inaalala lamang nila para sa paglaki ni Baby Night.

Kung dumating man ang panahon na masundan at mabigyan ulit sila ng anak, handa naman ang aktres para dito.

Credit: @iamryzacenon instagram

“Kung may mangyari mang magkaka-baby kami uli, okey naman. Pero ang plan po talaga namin is one lang.”

Sa ngayon na maliit pa lamang si Baby Night ay hangad muna ni Ryza na mag focus muna sa kaniyang anak at ibigay ang buong atensyon nila para dito.

Bukod sa pagiging hands-on mom kay Baby Night, hindi naman maaaring mawawala ang ginawang paghahanda ni Ryza para sa panibagong teleserye, ang Bella Bandida na pinagbdahan nito na siyang mapapanood sa TV5 simula sa November 25.



Credit: @iamryzacenon instagram

Nagsimulang mabuo ang pagmamahalan nina Ryza at Miguel noong nakaraang taon ng magtagpo ang kanilang landas sa tulong ng kanilang common friend.

“Ipinakilala po siya sa akin ng friend ko, manager ng bank na si Ms. Maricar. Tapos ‘yun na po. Halos seven months din po siyang nanligaw sa akin.”

The post Ryza Cenon, inilahad ang dahilan kung bakit nagdesisyon sila na isa lang ang maging anak appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments