Ang napakagandang anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na Zia, ibinahagi ang kanyang wish para sa kanyang kaarawan

Marami mang vacation trip at special gatherings ang naantala ngayong taon dahil sa pandemyang kinakaharap ngayon ng bansa, hindi naman naging hadlang ito upang ang ilang mga celebrities ay ipagdiwang ang kanilang kani-kaniyang special day.

Sa kabila ng kaniyang sipag at tiyaga sa pag-aaral, ang pagiging isang mabuting Ate sa kaniyang kapatid at butihing anak ay nararapat lamang na bigyan ng katumbas na masayang birthday celebration kasama ang pamilya.



Credit: @marianrivera instagram

Kaya naman hindi nagpahuli ang Darling Princess na si Zia Dantes, matapos ipagdiwang ang ikalimang kaarawan nito kasama ang kaniyang Mommy Marian, Daddy Dingdong at kapatid na si Ziggy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)


Mula sa kaniyang naganap na birthday celebration kasama ang pamilya, isa namang masayang cocomelon-themed party ang ibinigay nina Marian at Dingdong kay Zia sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanilang napakagandang anak.

Sa Instagram post ng aktres ay makikitang nakasuot si Zia ng isang yellow dress at makikita ang masayang ngiti nito habang nakatingin sa camera.

Credit: @marianrivera instagram

Maliban dito, hindi rin naman nagpahuli ang kaniyang cocomelon na birthday cake at makikita ang tila’y mga cute na mini characters na mayroon dito.

Sa kabila ng masayang kasiyahan at masarap na pagsasalu-salo nila buong pamilya, hindi naman napigilan ni Marian ang ma-touch sa naging sagot ni Zia patungkol sa birthday wish nito.

Credit: @marianrivera instagram

“Happy birthday Ate Z! I was so touched when she told me this morning that her wish is to keep her family, friends and everyone she knows safe and for the world to be healed. Awww,”


Patunay nga na hindi lamang angking ganda ang namana ni Zia sa kaniyang Mommy Marian kung hindi pati na rin ang pagkakaroon ng busilak na kalooban na tulad rin ng kaniyang mga magulang.

Sa kabila nito isang taos-pusong mensahe naman ang ipinaabot ni Marian sa kaniyang anak na nagdiwang ng kaarawan nito kanina, November 23.



Credit: @marianrivera instagram

“Thank you for being such a thoughtful daughter, mama is always here to protect and support you all the way… Happy Birthday Anak! Mahal na mahal ka namin. #HappyBirthdayAteZia,”

The post Ang napakagandang anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na Zia, ibinahagi ang kanyang wish para sa kanyang kaarawan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments