Ibinahagi ni Zsa Zsa Padilla ang kanyang paglalakbay sa Atimonan sa probinsya ng Quezon.
Sa instagram post ni Zsa Zsa unang makikita ang kanyang mga larawan kung saan sya ay bumisita sa Atimonan, at binanggit rin ang mga pahapyaw na aktibidad na kanyang mga ginawa.
Ani ni Zsa Zsa sa kanyang caption “2 days to go before our latest vlog, ATIMONAN ADVENTURE. We caught some fresh water shrimp. #BuhayProbinZSA”.
Kaya naman inabangan ito ng Netizen na ma upload sa kanyang YouTube channel.
Mapapanood sa kanyang vlog kung saan ay talagang nag enjoy sya at napakaraming natutunan sa paglalakbay.
Sinabi rin ni Zsa Zsa ang kanyang paboritong gawin na pamamalengke habang sya ay nasa Atimonan Fish Port.
Sa dagat sinubukan naman nya ang “snorkeling” na kanyang nagustuhan kahit na hindi daw sya magaling sa paglangoy.
Nagluto naman ng isda si Zsa Zsa sa bato na tinawag na “stone cooking” kung saan nilagyan nya ito ng olive oil habang nakasalang na ang isda sa may bato.
Nakapag trekking rin sila sa may protected landscape ng Quezon, at pagkatapos ng dalawang oras ay nakarating na sa Pinagbanderahan Summit na may 1,201ft above sea level.
At sa gubat nga na yon at may makikita at maririnig ka na hayop gaya ng mga baboy-damo, agila, usa, kalaw, unggoy at iba pa.
Namangha naman si Zsa Zsa nang matuklasan ang isang puno na hindi naman daw balete dahil marami itong butas.
At ito ay nanggaling sa buto at nabuhay galing sa taas na dala ng ibon, ngunit hindi naman itinanim. Tinawag nalang ito na parang paras!te tree ni Zsa Zsa.
Isa pang puno ang natuklasan na ang Tanis na hindi daw maakyat ng bayawak. Pagdating naman daw sa tao ay pwede sabihan ng natatangis na nakaraaan at hiling, kaya naman lumapit si Zsa Zsa at sinabi na “take away my sadness tree, takes away the worlds sadness. thank you thank you tree.”
Narito naman ang naging komento ng ilan sa mga netizens ukol sa kanyang naging Atimonan adventure:
“Wow great place ingat po lagi lodz godbless.”
“Wonderful post! Nice and refreshing. nature trips are the best. Thanks for using your influence the right way – promoting a healthy lifestyle and Philippines eco tourism!”
“Thanks for touring us in Atimonan.. great shared.”
The post Zsa Zsa Padilla, ibinahagi ang kanyang masayang adventure sa napakagandang mga lugar sa Atimonan sa probinsya ng Quezon appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments