‘Thank you for inspiring me to be a better daughter’, Gretchen Barretto, masayang nagpasalamat kay Claudine kasunod ng isang socmed post

Anuman ang mangyari, ang ating pamilya pa rin ang ating magiging sandalan at sandigan sa anumang oras. Nagkakaroon man ng mga tampuhan o anumang mga hindi pagkakaintindihan, maaayos pa rin ito at bandang huli ay magiging kakampi at katuwang mo pa rin ang iyong pamilya.

Credit: Claudine Barretto Instagram

Gaya na lamang ng magkapatid na Barretto, alam nating lahat na nagkaroon na ng mga hidwaan sa magkakapatid na sina Gretchen at Claudine Barretto. Pero, sa kabila nito ay naging maayos naman na sila at ngayon ay masaya ng nag-uusap.



 

View this post on Instagram

 

Bonding again with my Mom & brother & Sister Michie.having a blast!💝 missing u @gretchenbarretto

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on


Makikita sa isang post ni Claudine noong October 19 sa kaniyang IG na makikita ang larawan ni Claudine kasama ang kanyang inang si Inday at mga kapatid na sina Jay-jay and Michelle.

Nagpost si Claudine para batiin ang kanyang ina at ama sa kanilang wedding anniversary.

“Happy Civil wedding anniversary of Mom & Dad. We miss you Dad,” saad ni Claudine.

 

View this post on Instagram

 

Happy Civil wedding anniversary of Mom & Dad.we miss u Dad. Thank u jjbarretto @gretchenbarretto

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on


Dahil dito, natuwa at napasaya nila ang kanilang kapatid na si Gretchen at nagsabing, “I am overjoyed to see you all looking so happy. Know that I appreciate each of you for making mom aliw,” saad ni Gretchen sa comments section.

Binanggit din niya ang mga pangalan ng kanyang kapatid na lubos ang tuwa.

Credit: Claudine Barretto Instagram

“Bro J, I am proud of you. Baby girl, Clau, thank you for inspiring me to be a better daughter. Our ate Mich,” pagpapatuloy pa niya.

Kaya naman, marami ang naging masaya sa kanilang palitan ng mga mensahe at talagang makikita na good terms na ang dalawa.



Credit: Claudine Barretto Instagram

Matatandaang noong isang taon ay nagkausap na sina Gretchen at Claudine matapos ang ilang taon na hindi nila pagkakaayos.

Kaya naman, masayang masaya si Gretchen at Claudine dahil dito. Patuloy namang inaabangan ng mga netizens ang mga updates sa kanila at sa pamilya Barretto.

The post ‘Thank you for inspiring me to be a better daughter’, Gretchen Barretto, masayang nagpasalamat kay Claudine kasunod ng isang socmed post appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments