Lyca Gairanod, balak na ilipat at pagawan ng ibang bahay ang kanyang lola dahil sa hirap ng sitwasyon niya sa dati nilang tinutuluyang bahay

Magmula sa dating bahay na kinagisnan ng isang young star singer na si Lyca Gairanod, muling isinama ni Lyca ang publiko sa dating bahay na kinalakihan niya noon na siyang bahay na ngayon ng kaniyang Lola.



Credit: Lyca Gairanod Youtube

Ang bahay na kinagisnan noon ng pamilya ni Lyca, ay isang simpleng barong barong bahay na may sariwang hangin, na siyang nagmumula sa dagat na mismong tinatayuan nito.

Mula sa simpleng pamumuhay nila noon, hindi makakalimutan ni Lyca na saksi ang kanilang bahay, sa mga binuo niyang pangarap at ang kanilang naging pagsusumikap na maiahon sa kahirapan ang pamilya.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

Kaya naman sa pagkakataong ito, muling binisita ni Lyca ang kinagisnang tahanan at ipinakita ang kasalukuyang sitwasyon nito, lalo na may mga bagyong dumaan na siyang naging dahilan ng unti-onting paglakas ng mga alon sa dagat.

Plano umano ni Lyca na ipaayos ang kanilang bahay para sa kaniyang Lola, ngunit dahil sa tindi ng lakas ng mga alon, pinag-iisipan niya kung itutuloy pa ang pagpapagawa dito o ililipat na lamang sa mas maayos na tahanan ang kaniyang Lola.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

Sa kabila ng mga dumaang bagyo at malalakas na alon sa kanilang bahay, makikita na tila`y matibay pa rin ang pundasyon nito kahit na may mga ilan ng nasira dahil sa nagdaang bagyo.

Kwento pa ni Lyca na sa tuwing hindi na maganda ang lagay ng kanilang tinitirhan noon, ang kaniyang ama at kuya ang siyang tagalikas nila at gumagawa ng mga nasirang parte ng kanilang bahay.



Credit: Lyca Gairanod Youtube

Dahil sa hindi magandang lagay ngayon ng kanilang bahay, importante para kay Lyca ang kaligtasan ng kaniyang Lola, kaya naman hindi nya muna ipinatira ito sa kanilang bahay.

“Ayokong nahihirapan yung Lola ko, at tsaka siyempre po bilang apo, iniisip ko rin po yung kapakanan ng lola ko kung sakaling papatirahin ko po siya sa ganitong siitwasyon.”

Credit: Lyca Gairanod Youtube



Sa hulihang bahagi ng video ni Lyca, humingi naman ng paumanhin ang young star sa matagal na pagpapaayos ng bahay ng kaniyang Lola.

“Sa lahat po nagtatanong humihingi po ako ng paumanhin, sa kadahilanan nang pag tagal po pagaayos ng bahay ng aking Lola. Sana po ay maunawaan nyo po ako dahil po sa lagay ng dagat.”

The post Lyca Gairanod, balak na ilipat at pagawan ng ibang bahay ang kanyang lola dahil sa hirap ng sitwasyon niya sa dati nilang tinutuluyang bahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments