Silipin Ang Mga Pananim At Naging Libangan Ni Yeng Constantino

Dahil sa pagkakaroon ng quarantine, dulot ng krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon, ay marami nga sa atin ang talaga namang naapektuhan nito. Hindi lang mga ordinaryong tao, kundi maging mga kilalang personalidad sa showbiz, ay talaga namang apektado.



Isa si Yeng Constantino, sa mga singer na talaga namang hinahangaan at iniidolo ng marami, dahil sa kanyang husay bilang isang mang-aawit at sa pagiging isang composer din ng kanyang sariling awitin.
Image Credit via YouTube
Ngunit, dahil sa krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon, ay hindi maiiwasan na naapektuhan ang karera ni Yeng bilang isang mang-aawit. Ito ay dahil sa ilan lamang ang pumasok na proyekto sa kanya ngayon.
Image Credit via YouTube
Kaya’t upang libangin ang sarili, at maging mas produktibo ang mga oras ni Yeng sa panahon ng quarantine, ay mas mabuti na na ituon ang kanyang oras sa pagtatanim ng mga masustansyang gulay sa kanilang bakuran.
Image Credit via YouTube
Sa ikalawang pagkakataon nga, nitong ika-27 ng Mayo, ay muling ipinasilip ni Yeng sa kanyang vlog ang iba’t ibang mga pananim niya sa kanyang hardin. Ayon sa singer, sinimulan niya itong itanim ng mag-anunsyo ng lockdown ang gobyerno noong buwan ng Marso, kaya naman halos nasa 80-days na ang mga ito.
Image Credit via YouTube
Makikita nga sa vlog ni Yeng, ang kanyang vegetable garden, kung saan ang ilan sa kanyang mga pananim ay mayroon ng mga bunga, at ang iba naman ay makikita na ang unti-unting pag-usbong ng mga bulaklak.
Image Credit via YouTube
Masaya na ang ibinahagi ni Yeng sa kanyang mga tagahanga, na linggo-linggo silang nakakapag-ani ng mga okra at talong sa kanyang hardin, ito ay dahil sa halos napakaraming buto ng mga gulay ang itinanim niya rito.
Image Credit via YouTube
Ilan naman sa mga makikitang tanim ng singer sa kanyang hardin ay talong, okra, kamatis, kamote, kangkong, papaya, bayabas, kalamansi, at iba pa.
Image Credit via YouTube
Ipinakita rin ni Yeng sa kanyang vlog, ang pag gamit niya ng mga recycled materials sa kanyang hardin, katulad na lamang nga ng mga gallon na kanyang ni-recycle upang mataniman ng kanyang mga pananim.



At dahil nga sa makikita sa video, na halos marami ng bunga ang ibang mga tanim ni Yeng, ay ibinahagi rin ng singer, ang kanyang pag-harvest sa mga bunga ng okra, talong, talbos ng kamote at kangkong, na kung saan ginagamit ito ng kanyang pamilya sa kanilang mga araw-araw na lutuin.
https://www.youtube.com/watch?v=mCUDKDSQqMU
Bago pa man matapos ang video vlog ni Yeng, ay hinikayat nito ang kanyang mga tagahanga, na sa panahon ng quarantine, ay mas kailangan talagang pairalin natin nag pagiging produktibo at maparaan, upang krisis ay ating malampasan. At isa nga ang pagtatanim ng gulay sa bakuran, ang masasabi nating magandang gawin ngayong panahon ng quarantine.


Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments