Ivana Alawi, ipinakita kung gaano sya kalakas kumain ng mga maanghang na pagkain nang manalo sa ginawa nilang ‘spicy food challenge’

Mula sa iba`t ibang pranks at challenges na talagang pinakaabangan ng mga netizens sa YouTube channel ng aktres na si Ivana Alawi, ay isang panibagong challenge naman ang iyong masasaksihan na ginawa ni Ivana kasama ang kaniyang pamilya.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Sa video na in-upload ni Ivana, ay naisipan ng aktres na gumawa ng food challenge, na kung saan ay sinubukan nilang kumain ng mga spicy food.

Sa pamilyang Alawi, natatanging si Ivana lamang ang siyang mahilig sa maaanghang na pagkain, kaya naman tila`y sinubok ang katatagan nina Mommy Fatima, Hashim at Mona sa challenge na ito.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Upang simulan ang naturang challenge, naghanda ang aktres ng mga spicy food, tulad na lamang ng spicy wings, kimchi, samyang at cheese balls.

Bago simulan ang kanilang challenge, hinati nila ito sa dalawang grupo na kung saan ay magkakampi muli si Ivana at Mona bilang Team Vanana, samantalang si Mommy Fatima at Hashim naman bilang Team Maashim.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Upang manalo sa pagsubok na ito, may inihandang dalawang basong gatas si Ivana at kung sino man sa kanilang dalawa ni Hashim, ang unang uminom dito ay tiyak na matatalo sa naturang challenge.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Sa kanilang pasisimula ay may mga katanungan na inihanda para sa kanila, at kinakailangan nilang mag-unahan sa pagsagot nito. Ang sinuman na hindi palarin, ang siyang kakain ng mga inihandang pagkain.

Para sa unang katanungan kay Ivana at Hashim, itinanong sa kanila ang capital ng Aklan na agad namang maling sagot ni Ivana na Boracay.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Ang naging katanungan naman para kaya Mommy Fatima at Mona, ng tanungin sila sa tagal ng biyahe papuntang Baguio, at makikita ang pagiging competitive ni Ivana ng mali ang maisagot ni Mona na walong oras, na dapat ay tatlo hanggang apat na oras lamang.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Sa pagtatapos ng kanilang challenge, nagwagi pa din ang Team Vanana nang inumin ni Hashim ang gatas dahil di na nya kinaya ang anghang ng kanyang nakain, at siyang naging hudyat ng pagkatalo nito sa kanilang pagsubok.

Kitang kita naman sa mga komento mula sa mga netizens ang kanilang pagkatuwa sa ginawang challenge ng pamilya ni Ivana:

“I admire Ivana on how she really loves her family. Especially her Mom. Loving a mother unconditionally will have more n more blessings. Stay kind and beautiful inside and out. ❤God bless you and your family🙏🏿



Credit: Ivana Alawi Youtube

“This Alawi Family is so Funny and so many humor. They give joy and happiness to me.”

The post Ivana Alawi, ipinakita kung gaano sya kalakas kumain ng mga maanghang na pagkain nang manalo sa ginawa nilang ‘spicy food challenge’ appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments