Ryza Cenon, masayang ibinahagi ang balita ng kanyang panganganak sa kanyang baby na tinawag nyang ‘Baby Night’

Kahit kasagsagan ngayon ng bagyo ay marami ang nakikigalak kay Ryza Cenon dahil sa kanyang pagkakapanganak sa kanyang baby na tinawag nyang si baby Night.



Credit: @iamryzacenon instagram

Sa kanyang instagram account ay kanyang ibinahagi ang isang napakagandang balita kasabay ng isang larawan ng kamay ng kanyang baby na nakahawak sa kanyang mga daliri.

Di man umano naging madali ang lahat ng kanyang pinagdaanan ay worth it naman ito dahil sa wakas ay nakita at mayayakap na nya ang kanyang pinakamamahal na baby.

 

View this post on Instagram

 

10/31/20 – Napakahirap pero lahat worth it! Welcome Baby Night!!!🥰

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

Sa Instagram account din ng kanyang partner na si Miguel ay nagpost ito ng larawan kung saan ay kalong kalong nya ang kanilang bagong silang na anak at talagang mararamdam doon kung gaano ito kasaya at ka-excited na nakita ang kanilang baby.

 

View this post on Instagram

 

10/31/20 ❤❤❤ Our little bundle of joy is finally here. 📷 by mommy @iamryzacenon

A post shared by Miguel Cruz, LPS (@miguel.antonio.cruz) on

Di naman din nagpahuli ang mga netizens sa pagpapaabot at pagbuhos ng pagbati sa kanila at sa kanilang baby.

Noong nakaraan lamang na July 1 ay inanunsyo ni Ryza ang kanyang pagbubuntis sa magiging anak nila ni Miguel Antonio Cruz. Dito ay makikita na meron na syang baby bump dahil 5 buwan na syang buntis noon.



Credit: @iamryzacenon instagram

Ito ang kanyang naging biglaang anunsyo na talaga namang ikinagulat ngunit ikinagalak ng karamihan.

The post Ryza Cenon, masayang ibinahagi ang balita ng kanyang panganganak sa kanyang baby na tinawag nyang ‘Baby Night’ appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments