Lyca Gairanod, masayang ipinasilip ang kanyang bahay na naipundar para sa kanyang pamilya

Sa kabila ng kaniyang nakamit na tagumpay matapos makuha ang titleholder na The Voice Kids Season 1 Grand winner, bumuhos naman ang mga oportunidad para sa young star na si Lyca Gairanod, na siyang naging daan naman sa young star upang matulungan ang pamilya at makapagpagawa ng bahay.



Credit: Lyca Gairanod Youtube

Matatandaan na unang binahagi ni Lyca sa publiko ang kinalakihan nitong tahanan na matatagpuan sa Tanza, Cavite at nasilayan ang pagiging emosyonal nito ng makasama at magbigay ng mensahe ang kaniyang Lola para sa kaniya.

Kaya naman sa pagkakataong ito, ay ipinasilip naman ni Lyca ang kaniyang ipinatayong bahay, kalapit ng unang tahanan na kaniyang kinalalikahan noon.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

Pagpasok pa lamang sa loob ng kanilang munting tahanan, unang ipinakita ni Lyca ang lagayan ng mga sapatos ng kaniyang mga kapatid at katabi nga nito ang kanilang kitchen area.

Sunod namang ipinakita ni Lyca ang kanilang Dining area na kung saan ayon umano sa kaniya, ay kanilang kinakainan ng buong pamilya at sa tuwing hindi man sila nagkakasya sa dining table, ang iba ay sa sahig naman nagsasalu-salo.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

Kalapit naman sa dining area ay mapapansin ang kanilang flat tv screen, na siyang madalas na bonding moments ng kanilang pamilya ay ang pagkanta.

Credit: Lyca Gairanod Youtube



Hindi naman mawawala sa isang tahanan ang tinutulugan ng bawat pamilya, kaya naman pinakita rin ni Lyca ang kwarto nila ng kaniyang mga kapatid.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

Kapansin-pansin rin ang kanilang aircon na siyang pinakabit mismo ni Lyca, dahil umano sa kaniyang mga natanggap na kumento noon, patungkol sa kaniyang naging itsura mula sa mga nakaraang videos ng young star.

Maliban sa mga ito ay pinakita din niya ang kanilang bathroom, stock room at kasama pati na rin ang closet nila magkakapatid.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

Magmula sa video na ibinahagi ni Lyca, mapapansin ang pagiging simple ng kanilang pamumuhay, at ang pagkakaroon ng masaya at buong pamilya ang siyang mahalaga para sa kaniya.

Hindi importante ang mamahaling bagay at malaking bahay upang makuntento, dahil para kay Lyca, ang makasama ang kaniyang pamilya at maibigay ang kanilang pangangailangan ang siyang mahalaga ngayon para sa kaniya.

Narito naman ang naging komento ng ilan sa mga netizens:

“A simple vlogger who don’t own fancy materials inside their house. So humble artist.”



Credit: Lyca Gairanod Youtube

“Aahhh I’m so proud of you gurl hehehe samurang edad bread winner na sa pamilya 😊😊😊 Stay humble and kind Lyca. I support you.”

“I really admire you for being so simple, very down-to-earth, very authentic vlogger. May God bless you always together with your family.”

The post Lyca Gairanod, masayang ipinasilip ang kanyang bahay na naipundar para sa kanyang pamilya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments