Pauleen Luna, ibinahagi ang nakakatuwang pagbigkas ni baby Tali ng theme song ng Eat Bulaga

Ang noontime reality show na Eat Bulaga ay isa sa mga kilala at patuloy na sinusubaybayan ng publiko magmula sa kanilang mga nakakatawang eksena, nakakaantig na programa at higit sa lahat pagkakaroon ng magandang samahan na parang isang tunay na pamilya.



 

View this post on Instagram

 

Happy Chinese New Year Dabarkads! 🙂

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979) on


Ang Eat Bulaga ang isa sa pinakamatagal na variety show simula ng umere at mapanood sa telebisyon noong 1979. Sa pamamagitan ng show na ito, mas nakilala ang mga pinakaunang naging host ng programang ito na isa rin namang mga aktor na sina, Tito Sotto, Joey De Leon at Vic Sotto.

Sa pagdating ng katanghalian at pagbukas ng bawat telebisyon sa bawat tahanan, hindi mawawala ang bungad na kanta na syang sumisimbolo ng pagsisimula ng naturang programa.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Kaya naman mapa-bata o matanda ay talaga namang inaabangan at pinipilahan, upang mapanuod at ma-enjoy ang kakaibang saya na hatid ng Eat Bulaga.

Dahil dito hindi naman pinalampas ng anak ni Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto na si Talitha o mas kilala bilang si Tali, nang ipakita nito ang kanyang pagiging bibo at matalino sa harapan ng kamera.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Mula sa Instagram video na ibinahagi ni Pauleen noong September 3, makikitang nire-recite ni Tali ang theme song ng Eat Bulaga kaharap ang kanyang Mommy Pauleen.

“Our bonding before bedtime is really music but a few nights ago, she decided to recite Eat Bulaga’s theme song Ayayay Talitha! Kakgigil ka!!! @eatbulaga1979”




Makikita sa video na tila’y hindi lamang ang kanyang Mommy Pauleen at Daddy Vic ang certified Dabarkads, kundi pati na rin si Tali.

Mula sa naging video ni Tali, marami namang netizen ang namangha at hindi mapigilan ang gigil na kanilang nararamdaman mula sa pagiging bibo at cute ni Tali.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

👏👏👏👏👏 Wow!!! Ang galing naman ng Baby Tali. Yehey!!!”

“OMG, nakakawala ng pagod ang baby na ito. Keep it up Tali, you’re so smart and sweet girl. 😘😘😘



Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

“Jusko po! Ang husay mo tali 😍 kakagigil. Pa cyber hug naman dyan”

“Ang galing! Ang cute naman ni Tali! 💕

The post Pauleen Luna, ibinahagi ang nakakatuwang pagbigkas ni baby Tali ng theme song ng Eat Bulaga appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments