Bea Alonzo, naging totoo sa lahat ng kanyang naging sagot kay Enchong Dee at inamin na sya ang klase ng tao na gustong nagmamahal

Isang masayang salu-salo naman ang inyong masasaksihan mula sa video na ibinahagi ng mahusay na aktor at mananayaw na si Enchong Dee sa kaniyang YouTube channel.



Credit: Enchong Dee Youtube

Hindi naman lingid sa kaalaman ng iba na madalas na kasa-kasama ni Enchong ang isa sa kaniyang matalik na kaibigan at kasalukuyang ka-loveteam na si Erich Gonzales magmula sa mga nakaraang videos na makikita sa channel ng aktor.

Ngunit sa pagkakataong ito, nakasama naman niya ang isa rin sa kaniyang matalik na kaibigan sa showbiz na siyang tinuturing niya umanong “bestfriend” na isa ring mahusay na aktres na si Bea Alonzo.

Credit: Bea Alonzo Instagram

Mapapanood sa video na ibinahagi ng aktor, ang kanilang munting salu-salo na siyang ginanap sa bahay ni Bea at ang masarap na pagkain na kanilang pinagsaluhan na ang mismong aktres ang naghanda para kay Enchong.

Sa simula pa lamang ng kanilang video, makikita na tila`y napa-isip si Enchong sa dami ng pagkain na nakahain sa kanilang harapan.

Credit: Enchong Dee Youtube

Kaya naman agad ipinaliwanag ng aktres, na ang ganitong klase ng paghahanda ng pagkain ang siyang namana niya mismo sa kaniyang Mommy.



Kaakibat ng kanilang masarap na Brunch (Breakfast + Lunch), ay ilang katanungan na inihanda ni Enchong para kay Bea patungkol sa kwento ng kanilang pagkakaibigan.

Sa naging katanungan ni Enchong kung ano ang kanilang pagkakapareho ni Bea sa maraming bagay, agad naman itong sinagot ng aktres at makikita ang naging pagsang-ayon ng aktor sa naging kasagutan nito.

Credit: Enchong Dee Youtube

“Feeling ko because we are both driven, when that somehow, we complement each other like, parang feeling ko I`m not aggressive and you are when it comes to like pursuing your dreams. But in both ways, we get everything done but we have different methods.”

Sa sampung taon nilang pagkakaibigan, nagsimula umanong lumalim ito ng parehas silang nakasama sa teleserye na kanilang pinagbidahan noon ang “Magkaribal”.

Sa kanilang naging pag-uusap hindi naman napigilan ni Bea na ibahagi ang naganap na bentahan umano sa pagitan nila ng aktor, nang siya ay minsang malasing at sa hindi inaasahan ay kaniyang naibenta ang mamahaling sasakyan nito sa halagang isang milyon lamang.

Credit: Enchong Dee Youtube

Ang magandang pagkakaibigan na nabuo sa pagitan ni Bea at Enchong, pati na rin ang kanilang sariling kwento ay nagsilbing inspirasyon sa karamihan, upang makatulong kahit sa maliit na pamamaraan para sa ikabubuti ng mga taong nangangailangan.

Kasama rin sa kanilang napag-usapan kung gaano naging mas malakas si Bea matapos ang lahat ng kanyang napagdaanan lalo na pagdating sa usapin ng pag-ibig. Inamin din nya na sya ay isang tao na gustong nagmamahal sa kabila ng kagustuhan nyang maging independent.

Naging supportive naman ang mga netizens kay Bea at marami rin ang nagpaabot na kanilang paghanga sa kanyang mga naging sagot sa mga katanungan ni Enchong:

“After watching this, i realised that Bea deserves a man way better than her recent ex. She should be thankful that she didnt end up marrying that guy. Increase your standard Bea in terms of choosing a boyfriend, you deserve better!😊



Credit: Bea Alonzo Instagram

“It’s this kind of their discussion that you’ll discover how deep their personalities are behind the characters they portray and images in ads.”

“This is one of those conversations I don’t mind sitting through. They could go on for hours and I’d still watch and listen. Good job Bea and Enchong.”

The post Bea Alonzo, naging totoo sa lahat ng kanyang naging sagot kay Enchong Dee at inamin na sya ang klase ng tao na gustong nagmamahal appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments