Jed Madela, ipinasilip ang kanyang bahay na puno ng napakaraming koleksyon ng mga laruan

Mula sa nakamit na tagumpay ngayon ng isa sa mga mahusay na singer na si Jed Madela, ay masayang ipinakita nito ang bunga ng kaniyang pagsusumikap na maabot ang ganitong klaseng pamumuhay.



Credit: Star Magic Youtube

Mula sa latest video ng Star Magic YouTube channel, isinama ni Jed ang publiko sa munting pasilip ng kaniyang tahanan.

Hindi lubos maipaliwanag ni Jed ang labis na kasiyahan na kaniyang nararamdaman, sa tuwing masisilayan ang bunga ng kaniyang mga pinaghirapan noon na siyang unti-unti niyang nakukuha ngayon.

Credit: Star Magic Youtube

“This has been like the fruits of my hard work for the past, how many years? I’ve been in the business for more than 15 years. Ang sarap lang sa pakiramdam na may napupuntahan ‘yung pinaghirapan mo.”

Inilibot ni Jed ang mga viewers sa magmula sa kanilang living area, kitchen at dining area.

Credit: Star Magic Youtube

Ngunit ang isa sa mga paboritong lugar ng singer sa kaniyang bahay ay ang kanilang prayer area.

“Nagpagawa kami ng altar dito. This is a new part of the house. Wala ito nung binili namin yung bahay.”

Credit: Star Magic Youtube

“And isa sa favorite spots ko ito, favorite area ko sa bahay ko ang parang prayer area namin.”



Ayon kay Jed, ang kaniyang prayer room ang isa sa mga nagsisilbing source of peace nito dahil dito niya umano nakakausap ang Panginoon.

“Siguro dito ako nakakahanap ng peace and relaxation, and of course time for myself, time to meditate, time to say my prayers and talk to God.”

Credit: Star Magic Youtube

Bukod sa kaniyang prayer room, kapansin-pansin naman ang Funko collection ni Jed na talagang pinagawan niya ito ng sariling kwarto.

Credit: Star Magic Youtube

“Sa mga nagtatanong kailan ako nag-start mag-collect ng Funko Pop, I started in 2018. Siguro ‘yun ang pinaka-therapy ko.”

“It reminds me of childhood. It reminds me of how simple things were when I was a kid. Nakaka-nostalgic ng feeling na when I see toys it makes me happy, it makes me relax,” paliwanag pa ng Kapamilya singer.



Credit: Star Magic Youtube

Mapapansin na karamihan sa mga koleksyon ni Jed ng Funko Pop, ay mga Disney characters.

Nagsimulang mangolekta si Jed ng mga ito magmula sa kaniyang pagbili ng pakonti-konti hanggang sa umabot na ito sa daan-daang piraso.

The post Jed Madela, ipinasilip ang kanyang bahay na puno ng napakaraming koleksyon ng mga laruan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments