Dimples Romana, ibinahagi ang kanilang naging sikreto kung paano sila nakabili ng ganito kagandang farm kahit naging kapos ang kanilang budget noong umpisa

Ipinakita sa atin ng aktres na si Dimples Romana ang kanyang farm sa Alfonso, Cavite.

Iba ang taglay ng farm na ito kay Dimples. Nag bibigay daw ito ng peace of mind. Nakaka relax ang kapaligiran at nakaka inspire din ito sa kanya kaya sobrang mahal niya ito.



Credit: Dimples Romana Official Youtube

Kwento ni Dinples, naghahanap siya ng pamalit na sasakyan. May hawak hawak siyang 350,000 na pwede na niyang pang down para sa bago niyang sasakyan.

Pero habang nagtitingin siya ng clasified ads ay nakita niya dito ang farm na ito sa Alfonso, Cavite.

Credit: Dimples Romana Official Youtube

Kaya, biglang sinabi niya sa kanyang ama na hindi na siya magpapalit ng sasakyan kundi bibili siya ng farm.

Tinanong niya sa kanyang sarili kung kaya niya ba itong bayaran. Pagkaraan ng 3 araw, nakausap siya ng kanyang tito Tirso at napansin nya ang kasipagang taglay ni Dimples.

Credit: Dimples Romana Official Youtube

Sabi pa nga ng kanyang tito, “Ang Diyos hindi yan natutulog pag alam niyang masipag ka at alam niyang may binabayaran ka bibigyan ka niya ng pagkakataon.”

Dati pa pala pangarap ni Dimples ang magka farm kaya ng nakita niya na ito, hinding hindi na niya ito pakakawalan.



Credit: Dimples Romana Official Youtube

10 years na pala ito kay Dimples kaya daw kapag nandito siya pakiramdam niya close sila ni Lord dahil sa ang lamig ng simoy ng hangin at napaka tahimik dito.

Dahil din sa farm ni Dimples, lalo daw siyang lumakas at lumaban dahil nakamit na niya ang pangarap niyang farm. Nag tatrabaho siya ng maigi para makapag invest pa ng marami at pinapahalagaan niya ang pera maliit man ito o malaki.

Credit: Dimples Romana Official Youtube

Matatagpuan din din dito ang ibat ibang prutas at gulay na ating nabibili. Kaya naman, worth it ang lahat ng ito lalo na ang pag invest ni Dimples sa lupang ito.

Dahil dito ay maraming mga netizens din ang na-inspire sa kanyang naging kwento:

“So inspiring… ms Dimples. Wish we can own a farmland also. Stay safe and bless.”



Credit: Dimples Romana Instagram

“Ms.Dimple always inspire me to be humble and a dreamer that nothing impossible to God.”

“Ito yung dream ko mag ka farm , tapos andun nakatayo ang bahay ko, parents ko kapatid ko , family hay sana maabot ko ito . tapos sama sama at nag tutulungan mag tanim.”

The post Dimples Romana, ibinahagi ang kanilang naging sikreto kung paano sila nakabili ng ganito kagandang farm kahit naging kapos ang kanilang budget noong umpisa appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments