Enchong Dee, ginulat si Ogie Diaz nang isama nya ito sa paglilinis ng kanyang restaurant sa Quezon City

Ang batikang aktor na isa ring negosyante na si Enchong Dee, ay ipinakita sa publiko ang kanilang ginawang pag-aayos at paglilinis sa tuwing bubuksan ang restaurant nitong Peri-Peri Charcoal Chicken and Sauce Bar na matatagpuan sa may UP Town, sa Quezon City.



Credit: Enchong Dee Youtube

Ang restaurant na ito ni Enchong, ay isang franchise business na kung saan ay sinimulan ang proyektong ito noong taong 2005.

Kilala ang Peri-Peri Charcoal Chicken and Sauce Bar mula sa charcoal-grilled Chicken nito at ang kanilang signature sauces na talaga namang kinasabikan at binalikan ng bawat costumer na kumakain dito.

Credit: Enchong Dee Youtube

Kaya naman sa pagkakataong ito ay ibinahagi ni Enchong sa publiko ang kanilang mga ginagawang pag-aasikaso upang panatilihing malinis at accommodating ang kaniyang restaurant.

Credit: Enchong Dee Youtube

Base sa paglalahad ng isa sa kaniyang mga valued staff na si Tom, una nilang inaasikaso ang mesa at upuan na kanilang nilalagay sa labas ng restaurant, na siyang waiting area ng mga kumukuha ng pagkain for take-out upang maging maayos at kumportable ang mga ito habang naghihintay.



Credit: Enchong Dee Youtube

Dahil nga sa kasalukuyang new normal na kinakaharap ngayon ng bansa dahil sa pandemya, maingat pa din ang ginagawang paglilinis at disinfection nila Enchong magmula sa menu patungo sa loob at labas ng kanilang restaurant.

Credit: Enchong Dee Youtube

Sa pagkakataong ito ay nakasama naman ni Enchong ang komedyante na si Ogie Diaz sa kanilang paglilinis at sinagot ang ilang mga katanungan na ibinigay ng aktor, patungkol sa usaping business at mga naging karanasan nito bilang isang costumer.

Credit: Enchong Dee Youtube

Sa kanilang pag-uusap, makikita naman na tila`y hindi handa si Ogie sa kanilang ginawang paglilinis ni Enchong, na siyang agad namang ikinatuwa ng aktor dahil sa nakitang naging reaksyon ni Ogie.

Credit: Enchong Dee Youtube

Sa kanilang huling pag-uusap patungkol sa online business na laganap ngayon sa social media, nagbigay naman si Enchong ng isang maikling mensahe patungkol sa bansa at aksyon na magagawa bilang isang mamamayan lalo na sa panahon ngayon na may kr!s!s na kinakaharap ang Pilipinas.

“I think we just really have to reflect to ourselves as Filipinos, ano ba yung pwede ko maitulong sa bansa. Let`s not be complacent about the current situation of the Philippines, let`s dream a better Philippines and let`s dream a better government.”

Narito naman ang ilan sa mga nakakatuwang reaksyon ng mga netizens:

“It’s so funny all the bottles and ogies wearing the same colours he he.”



Credit: Enchong Dee Youtube

“Ngayon ko lang nalaman na ok talaga si Enchong. At ang galing may business pala siya.”

“It’s my first to watch and subscribe to your channel..what l want is the care you did is a brilliant moved in understanding situation in life.”

The post Enchong Dee, ginulat si Ogie Diaz nang isama nya ito sa paglilinis ng kanyang restaurant sa Quezon City appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments