Isang nakakakilig na eksena ang inyong matutunghayan mula sa naging pagdiriwang ng ika-12 na anibersaryo bilang mag-asawa nina Doug at Chesca Kramer.
“7 yrs together, 12th year wedding anniversary today!
I’ve been with you close to half my life, but I still feel like there’s so much more to uncover!
Our adventure continues honey!
I love you more than ever baby girl!
“Happy 12th year of togetherness as husband and wife!”
Upang pakiligin at mabigyan ng espesyal na regalo si Chesca sa kanilang anibersaryo, naisipan ni Doug na sorpresahin ang kaniyang asawa sa kanilang naging salu-salo kasama ang buong pamilya.
Sa labing pitong taon nilang pagsasama, hindi parin nawawala ang kilig at saya sa tuwing ipinagdiriwang ni Chesca at Doug ang kanilang anibersaryo.
Kaya naman bago sinimulan ni Doug ang kaniyang sorpresa ay ipinakita nito sa video ang munting regalo nito na singsing para kay Chesca.
Ang singsing na kaniyang ibinigay ay binubuo ng 15 diamonds at ang 3 nga na makikita sa gitnang bahagi nito ay sumisimbulo sa kanilang tatlong anak na sina Kendra, Scarlett at Gavin.
Samantalang ang 12 na diamonds naman ang siyang sumisimbulo sa taon ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa.
Upang lubos na masorpresa si Chesca, inihalo ni Doug ang regalo na singsing sa kanin nito.
Sa kanilang naging munting salu-salo, mapapansin naman ang tila`y pagiging excited ni Kendra na makita ang magiging reaksyon ng kaniyang Mommy.
At nang masilayan ni Chesca ang singsing sa kaniyang kinakainan, hindi napigilan ng aktres na kiligin at matuwa sa regalo na kaniyang natanggap galling sa asawa.
Upang pasalamatan ito at batiin sa kanilang anibersaryo, isang mensahe naman ang kaniyang ipinaabot kay Doug, na siyang makikita sa caption ng larawan na pinost nito kasama ang kaniyang asawa.
“Thank you for today’s surprise! I thought there was a stapler pin in my rice cup… little did I know it was your gift for me. Thank you sweetheart, I love it!
How thankful I am that I don’t need to beg those from you! That means the heavens to me! I love you baby! I appreciate all that you’re! I thank God for giving me the best! @dougkramer”
The post Chesca Kramer, natuwa sa inihandang espesyal na surpresa ng kanyang asawa na si Doug sa pagdiriwang nila ng kanilang ika-12 na taong anibersaryo bilang mag-asawa appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments