Pokwang, natuwa sa sagot ng kanyang anak na si Malia nang tanungin nya ito tungkol sa nakasulat sa kanyang damit

Mula ng siya ay maging parte ng isa sa mga kinagigiliwan na kids’ internet sensation ngayon, hindi naman nagpahuli ang anak ng aktres at mommy na si Marietta Subong o mas nakilala bilang si Pokwang, nang ibahagi nito sa publiko ang mga larawan at videos ng kaniyang anak na si Malia O`Brian.



Credit: @itspokwang instagram

Si Malia ay anak ni Pokwang sa kaniyang partner na si Lee O`Brian at isinilang niya nga ito noong January 18, taong 2018.

Bukod sa naging happy pill ni Pokwang ang kaniyang anak, kapansin-pansin naman ang pagiging tisay nito na kaniyang namana mismo sa kanyang Daddy Lee, kaya mula sa pagiging si Malia ay binansagan na rin itong “Tisay ng Masa”.

Credit: @malia_obrian instagram

Kahit ngayon na dalawang taong gulang pa lamang si Malia, mababatid na sa kaniya ang pagiging matalino kung kumilos, mga reaksyon at isama na rin ang paraan ng pakikipag-usap nito sa kaniyang Mommy Pokwang.

Dahil dito mas kinagiliwan ng netizen ang mga cute moments ni Malia sa tuwing kalaro nito si Pokwang.

Credit: @itspokwang instagram



Kaya naman mula sa video na ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram, hindi napigilan ng ilang netizen na panggigilan ang cuteness at pagiging bibo ni Malia, ng tanungin ni Pokwang kung ano ang nakalagay sa damit nito.

Credit: @itspokwang instagram

“Bwahahahhaahhaa my love tisay @malia_obrian ano daw?????””

 

View this post on Instagram

 

Bwahahahhaahhaa my love tisay @malia_obrian ano daw?????

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on


Nang tila`y marinig ito ni Malia, agad naman niyang tinignan ang suot-suot na damit at agad na sinabing ito daw ay isang “Coco”.

Hindi naman napigilan ni Pokwang na matawa sa naging kasagutan ni Malia ng sabihin nito ang “Coco” na dapat ay “Coke”.

Credit: @itspokwang instagram

Dahil nga sa eksenang ito, maraming netizen naman ang natuwa at pinanggigilan ang cuteness ni Malia sa naging video nito.

“Ang cute cute nya!!! Ang bilog bilog na!!! ❤ I miss Malia!!!”



Credit: @itspokwang instagram

“Grabe, sobra na siyang daldalera at siksik liglig na siya, puputok na ang pisngi niya…kakagigil sa ka cute-an!!! ❤ Ganda ng disposisyon niya. Happy siyang bata! ❤❤❤

“Hahahhaaa. Jusko. Ang cute mamang 😍😍😍 @itspokwang27”

“Ang cute!!! Coco 😂😂😂

The post Pokwang, natuwa sa sagot ng kanyang anak na si Malia nang tanungin nya ito tungkol sa nakasulat sa kanyang damit appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments