Vice Ganda, may paunang pasilip sa kanyang napakaganda at napakalawak na bahay na may sarili pang pool, elevator at generator

Magmula sa mga ibinidang tahanan ng ilang mga celebrity, hindi naman nagpahuli ang isa sa mga inaabangan at hindi makukumpleto ang iyong araw kapag siya ay hindi nasilayan sa telebisyon, ang sikat na aktor at komedyante na si Vice Ganda.



Credit: Vice Ganda Youtube

Hindi naman nagpahuli si Vice sa kaniyang ibinahaging house tour na siyang mapapanuod ang unang bahagi nito sa kaniyang YouTube channel.

Nakasama ni Vice sa naturang video ang assistant nito na si Erna at ang kaniyang friend na si Annie.

Credit: Vice Ganda Youtube

Magmula pa lamang sa labas ng bahay ni Vice ay makikita na ang pagiging elegante nito at ang kamangha-manghang disenyo na syang sasalubong naman sayo sa loob ng kaniyang tahanan.

Ipinatayo ni Vice ang kaniyang bagong bahay anim na taon na ang nakakaraan at makalipas naman ang tatlong taon ay natapos na ang pagpapagawa dito.

Credit: Vice Ganda Youtube

Ayon sa komedyante, ipinatayo niya umano ang bahay para sa kaniyang Lolo ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay hindi na nasilayan ang naging itsura nito na siyang naging dahilan naman ng pagkawalan ng gana ni Vice na ipagpatuloy pa ang pagpapagawa dito.

“Binili ko ‘to para sa lolo ko. Nung nam@tay ang lolo ko, sobra akong na-sad, nawalan ako ng ganang ipatayo siya. Tumengga siya ng ilang taon,”



Credit: Vice Ganda Youtube

Pagpasok sa loob ng kaniyang tahanan, bubungad sayo ang ilang mga sealed boxes na naglalaman ng ilang mga kagamitan at pagdating naman sa powder room ay ipinakita ni Vice ang toilet na siyang nanggaling pa umano sa Dubai.

Credit: Vice Ganda Youtube

Nagpagawa din si Vice ng elevator para sa kaniyang ina upang hindi mahirapan ito sa kaniyang pag-akyat.

Credit: Vice Ganda Youtube

“May elevator kasi siyempre ‘yung nanay ko pagpupunta rito, masakit ‘yung tuhod, hindi niya kakayaning umakyat. Kaya nagpagawa ako ng elevator for her,”

Sunod naman na ipinakita ni Vice ang malawak na Dirty Kitchen na siyang ikinabigla rin ng aktor dahil sa naging kalakihan nito.

Credit: Vice Ganda Youtube

“Bakit ganito kalaking kitchen ang ginawa ninyo? Munggo lang naman inuulam ko tuwing Biyernes at tsaka galunggong.”

Plano umano ni Vice na lumipat bago mangyari ang l0ckd0wn, kaya ng makahanap ng magandang tiyempo at kaluwagan sa kaniyang schedule ay inuunti-unti na niya ang kanilang paglipat.

Credit: Vice Ganda Youtube

“Nag-lockdown, so hindi ako nakalipat. ‘Yung mga gamit na in-order ko for delivery, hindi siya na-deliver. Nag-GCQ na, ayos na dapat. Pinayagan nang lumipat, tapos ide-deliver ‘yung gamit. Tapos biglang naghigpit na naman. So hindi natuloy. So ngayon, lumuluwag na ulit kaya unti-unti papalipat na kami,”

Sobra namang namangha ang ilang mga netizens dahil sa ganda ng magiging bagong bahay ni Vice Ganda,

“Vice Ganda’s house is so grand but I couldn’t see even just an inch of arrogance in her. You deserve it ❤❤❤Excited for thr next part.”



Credit: Vice Ganda Youtube

“Aesthetic ng dreamhouse ko to heheh Pero gusto ko may unting kahoy… Congratulations meme 💗

“I’m so excited to see the official house tour❤

The post Vice Ganda, may paunang pasilip sa kanyang napakaganda at napakalawak na bahay na may sarili pang pool, elevator at generator appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments