Silipin Ang Sariling Bagong Pundar Na Bahay Ng Komedyanteng Si Kakai Bautista Para Sa Kanyang Pamilya

Ang magkaroon ng sarili at komportable ang bahay para sa kanyang pamilya, ang matagal ng pinapangarap ng singer-comedian na si Kakai Bautista.



Ayon nga kay Kakai, ay halos ilang dekada na nangungupahan lamang ang kanyang pamilya, kung saan ay heto na ang kanyang kinalakihan, ang mangupahan dahil sa wala silang sariling bahay.
Photo Credit: ilovekaye/Instagram
At ngayon nga, sa tagal niyang nangarap at nagsipag, ay nakamtan na niya ang pangarap niya para sa kanyang pamilya, dahil mayroon na siyang bahay na matatawag niyang kanyang sarili.
Photo Credit: ilovekaye/Instagram
Sa kanyang vlog, ay masayang ibinahagi ng singer-comedian, na sa halos dalawang dekadang pangungupahan, sa wakas may bahay na siya.
Photo Credit: ilovekaye/Instagram
“Ngayon lang kami nagkaroon ng sariling bahay. Sa latest vlog ko, pinasilip koi tong munting tahanan naming. Di pa siya tapos dahil papaayos ko pa ang sana ang interior kung hindi nagkaroon ng epidemya. Oo nalungkot ako, kasi dapat nakalipat na kami pero alam ko may dahil ang si Lord kung bakit di pa siya ngayon.”
Photo Credit: ilovekaye/Instagram
Base nga sa isinaad ni Kakai sa kanyang vlog, hindi pa sila nakakalipat sa bagong bahay na kanyang naipundar, ito ay dahil nga sa hindi pa tapos ang interior nito at mayroon pang mga kailangan ayusin sa loob nito.
Batid naman ni Kakai, na makakalipat rin silang magpapamilya sa bagong bahay, kapag maayos na ang lahat, at tapos na ang krisis na kinakaharap ng marami sa atin ngayon, basta’t magtiwala lamang tayo sa Poong Maykapal.
“At naniniwala ako na makakalimutan din ang pamilya ko dito. Si Lord ang bahala dahil siya ang gagawa ng paraan para matupad ‘yun. Dahil napakarami na niyang tinupad sa pangarap ko.”
Kwento pa ni Kakai, naipundar niya ang bahay na ito dahil sa ginawa niyang endorsement na Jollibee Jolliserye, kung saan ay kasama niya ang kapwa komedyante na si Eugene Domingo o Ate Uge. Inamin rin niya, na hindi pa talaga tapos ang pagbabayad sa bahay niyang ito, dahil sa may loan pa siya sa bangko.
Pero alam ni Kakaina matatapos rin niya ito dahil hindi siya mapapagod magtrabaho basta para sa pangarap niya para sa kanyang pamilya.
“Ang bahay na ito ay katas ng Jollibee Jolly Serve with Ate Uge, endorsement ko. Kaya, JB house ang tawag ko dito. Di pa ito tapos dahil nagloan ako sa bank. Sugod lang, para sa pangarap kasi alam kong pagtatrabaho koi to ay pagsisikap,” saad nga ni Kakai.
At para naman mas lalo pang maging inspirasyon para sa marami ang kwento ng pagkakaroon niya ng sariling bahay, ay ibinahagi ni Kakai ang mga dinanas niya na paghihirap noon, at isa na nga rito ay ang ilang beses niya at ng kanyang pamilya naranasan ang mapalayas sa kanilang inuupahang bahay.
“Gusto kong malaman niyo na, napakaraming beses na kami pinalayas sa mga napuntahan naming. Dumating sa point na akala ko sa kalye na kami titira. Pero napakabuti ni Lord. 2 dekada akong nangarap para sa pamilya ko. Wag nating isipin na ang kahirapan na nararanasan natin ay parusa kundi blessing na nagpapatibay sa atin at sa ating faith,” kwento ni Kakai.
Bago naman matapos ang kanyang vlog, ay nagbigay pa ng mensahe ang singer-comedian para sa mga taong patuloy na nangangarap na magkaroon ng sariling bahay at maging maayos ang pamumuhay.



Ayon nga kay Kakai, patuloy kang mangarap at trabahuin ang iyong pangarap, dahil ang pagtupad ng pangarap ay walang deadline, kung saan kahit anong edad o sitwasyon mo sa buhay, maari mo iong matupad basta’t wag ka lang tumigil o huminto na trabahuin at abutin ito.
https://www.youtube.com/watch?time_continue=2&v=B51Feaag4cI&feature=emb_logo
Mas makakamit rin ang katuparan ng pangarap kung sasamahan ito ng patuloy na panalangin at pananalig sa Diyos “At tandaan mo, lahat ng bagay na nakukuha mo ng mabilis kapag di mo inalagaan ay mawawala rin ng mabilis,” saad pa ni Kakai.


Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments