Si Rhea Santos – de Guzman, o mas kilala ng maraming mga Pilipino bilang Rhea Santos, ay isang dating mamamahayag, host at tagapagbalita sa telebisyon dito sa Pilipinas na ngayon ay kasalukuyan ng naninirahan sa bansang Canada kasama ang kanyang pamilya.
Siya ay mas naging tanyag pa bilang isang mahusay na tagapagsalita dito sa Pilipinas, ng mapabilang siya bilang isa sa mga host ng palabas na “Unang Hirit”, isang morning news program na mapapanood sa GMA Network tuwing umaga.
Sa kabila ng namamayagpag na magandang karera ni Rhea Santos dito sa Pilipinas bilang isang mahusay na mamamahayag, ay minabuti nitong lumipad patungong Canada noong nakaraang taon, upang doon na manirahan, kasama ang kanyang pamilya.
Batid ni Rhea, na pagdating sa Canada, ay magkakaroon na naman siya ng panibagong simula, lalo na pagdating sa kanyang karera. Kaya naman upang makapag patuloy siya sa kanyang karera bilang isang mamamahayag, ay muli siyang nag-aral ng broadcast and online journalism program sa British Columbia institute of Technology sa nasabing bansa.
Sa kabila naman ng kanyang kasipagan at dedikasyon sa pagiging isang mahusay na tagapagsalita noon sa Pilipinas, at kasalukuyan niyang pag-aaral ngayon ng broadcast at online journalism ngayon sa Canada ay isang napakagandang blessings naman ang kanyang natanggap.
Kamakailan nga lamang, ay buong galak na ibinahagi ni Rhea Santos sa kanyang Instagram account, ang blessings na kanyang natanggap at ito nga ay ang pagkakatanggap niya bilang bagong news anchor ng OMNI News Filipino Edition sa Canada.
Ibinahagi ni Rhea, sa kanyang Instagram ang isa niyang larawan, kung saan makikita na siya ay nagsisimula ng magtrabaho sa OMNI bilang isang news anchor, at kalakip ng larawan ay ang caption ng kanyang pasasalamat sa lahat, lalo na sa mga taong umalalay at gumabay sa kanya upang maabot niya ang ganitong posisyon niya ngayon sa kanyang buhay.
Narito nga ang naging caption ni Rhea Santos sa kanyang larawan, kung saan nararamdaman kung gaano siya kasama sa blessings na kanyang natanggap, at kung gaano siya nagpapasalamat sa lahat ng taong tumulong, sumuporta at magdasal para sa kanya, na maging maayos ang buhay niya sa Canada.
“Marking this day that I’m able to do my passion to tell stories that matter to my ‘kababayan’ here in Canada. You will all meet the Filipino team of OMNI News in the coming days. It’s not only Filipinos and Fil-Canadian journalist making this possible.
A big part are the Canadians and people of diverse backgrounds whom I’m given the opportunity to work with that make OMNI News Filipino Edition happen.”
“Di ko po alam kung paano ko kayo pasasalamatan. Masyado niyo po akong pinasaya sa mga mensahe niyo ng suporta at pagmamahal. Kasama ang buong #OMNIFilipino news team. Maraming maraming salamat sa dasal, sa palakpak, sa pagtanggap, sa patuloy na pagtitiwala.
Asahan niyo pong ipagpapatuloy namin ang serbisyo na tagapaghatid ng balita para sa mga Pinoy at Filipino-Canadians. Proud to share my heritage to a country whose strength are the difference of its people. Di ko man kayo maisa-isa para pasalamatan, please know that your messages inspire and motivate me to do better and be better. Thank you #gratitude #Filipino #pinoy.”
Masasabi nga natin, na nakatadhana na talaga kay Rhea Santos ang maging isang mamamahayag, dahil saang panig man siya ng mundo, mapa-Pilipinas man ito o Canada dalhin ay dala-dala niya ang kanyang pangarap na maging isang mahusay na tagapagsalita.
Marami naman sa mga dating trabaho at mga tagahanga ni Rhea Santos, ang naging masaya para sa bagong karera niya ngayon bilang news anchor sa bansang Canada.
Source: Famous Trends
0 Comments