PBB Otso Grand Winner Yam Yam Gucong Ibinahagi Ang Kanyang Pinagkakaabalahan Sa Kanilang Probinsya

Nakilala ng publiko sa telebisyon ang simpleng binata na si Yam Yam Gucong, nagmula sa probinsya ng Bohol, ng ito ay sumali sa reality Tv show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother Otso.



Dahil sa likas at tunay na personalidad ang kanyang ipinakita sa loob ng bahay ni Kuya, ay minahal si Yamyam ng maraming mga manonood, kaya naman sa huli ay siya ang itinanghal na grand winner ng PBB Otso.
Video Credit YouTube
Masasabi nga natin na mula ng siya ay nagwagi sa PBB, ay malaki na ang nagbago sa buhay ni Yam Yam Gucong, dahil sa malaking halaga na kanyang napanalunan at sa dami ng oportunidad na nagbukas sa kanya sa industriya ng showbiz.
Video Credit YouTube
Ngunit sa kabila ng tinatamasa ng kasikatan, ay nanatili pa rin ang pagiging simpleng tao ni Yamyam. Sa katunayan, ay kapag nasa probinsya si Yamyam ay ginagawa pa rin niya ang mga trabaho ng probinsya na ginagawa niya noon, at ang ilan nga sa mga ito ay ibinahagi niya sa isang latest vlog niya sa kanyang Youtube channel.
Video Credit YouTube
Sa nasabing vlog ni Yamyam, ay ipinakita ng binata ang kanyang ginawang pag-aani ng mga mais at mani, kung saan ay ginagawa niya umano talaga ito noon basta buwan na ng tag-ani. Ipinakita rin ng bata kung paano gumawa ng corn rice, gamit ang makina.
Video Credit YouTube
Ibinahagi rin ni Yamyam na sa kabila ng maayos ay magandang katayuan na niya sa buhay, kung saan ay kaya na niyang tustusan ang pangangailangan ng kanyang mga magulang, ay pinili pa rin umano ng kanyang mga magulang na ipagpatuloy ang nakasanayan na ng mga ito na pagsasaka sa kanilang probinsya.
Video Credit YouTube
Samantala, matatandaan naman na noong nasa PBB house pa si Yamyam, ay isa sa kanyang mga houseates ang talagang napalapit sa kanya at itinuring na niyang kapatid, at ito nga ay ang housemates na binatang Hapon na si Fumiya.
Video Credit YouTube
Madami nga ang natuwa sa dalawa, dahil sa kabila ng pagkakaiba nila ng lahi at katayuan sa buhay, at minsan ay hindi pagkaka-intidihan ng lenggwahe ay nanatili ang magandang samahan sa kanila.
Video Credit YouTube



Si Fumiya, ay purong Hapon na mayroong magandang estado ng buhay sa Japan, samantalang si Yamyam naman ay isang purong Pinoy na lumaki sa hirap ng buhay at ginawa ang lahat ng mabuting paraan upang matulungan ang kanyang pamilya.
https://www.youtube.com/watch?time_continue=10&v=gnJmiDUNbaU&feature=emb_logo
Ngayon nga ay malayo na ang naabot ni Yamyam sa kanyang buhay, ngunit sa kabila nito ay nanatili pa rin ang pagkakaibigan nila ni Fumiya, kung saan ay itinuturing niya itong ang kanyang spiritual brother.


Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments