Dating Aktor Na Si Leandro Muṅoz Proud Sa Kanyang Anak Sa Kabila Ng Pagiging Isang Transman Nito

Tunay nga naman na walang kapantay ang pagmamahal ng isang magulang para sa kanyang anak, dahil sa lahat problema na kinakaharap ng anak ay ito ang laging aagapay, tutulong at unang makaka-unawa rito.



Ang mga magulang rin ang unang tao na nagbibigay suporta pagdating sa mga bagay na nais ng kanilang mga anak pagdating sa sariling buhay ng mga ito.
Photo Credit: leandromunoz/Instagram
Kagaya na lamang nga ng dating aktor na si Leandro Muṅoz, na buo ang ibinigay na suporta sa kanyang anak na Franckie sa naging desisyon nito sa pagbabago ng kasarian nito.
Photo Credit: leandromunoz/Instagram
Sa isa ngang panayam kay Leandro Muṅoz ni Paolo Contis sa latter’s talk show na “Just In”, ay proud na inamin ng dating aktor, na ang kanyang panganay na anak na si Frankie ay ilang taon na ang namumuhay bilang isang transgender man.
Photo Credit: leandromunoz/Instagram
Ayon nga sa aktor, Cheska ang tunay na pangalan ng kanyang panganay na anak, na ngayon ay si Frankie na, dahil sa isa na itong transgender man. Kwento ni Leandro, 16-taong gulang pa lamang noon ang kanyang anak na panganay, ng aminin nito sa kanya na gusto nitong maging lalaki katulad niya.
Photo Credit: leandromunoz/Instagram
“This is something I will never ever hide from the public or anyone should ever hide from the public because this is a serious matter,” ang sabi ni Leandro kay Paolo Contis.
“Yung anak ko, nung nag-turn 16 years old, kinausap niya ako. He was crying, ang sabi niya ‘I need help maybe from a psychiatrist,” saad pa ni Leandro.
Ayon nga sa dating aktor, mula ng maging bukas sa kanya ang kanyang anak sa pinagdaanan nito ay mas umiral sa kanya ang unawain ito at suportahan ito.
Photo Credit: leandromunoz/Instagram
Kwento pa nga ni Leandro,ng sabihin sa kanya ni Franckie na, “I feel like I’m a boy, I’m a man” ay ang mga salitang nagpapahiwatig lamang ng suporta ang lumabas sa kanyang bibig, kung saan ay sinabi niyang; “Then go with what you feel right”, saad nga ni Leandro para sa anak.
Photo Credit: leandromunoz/Instagram
Ibinahagi ng ang dating aktor, na dapat tayong mga magulang ang unang nagpaparamdam at nagpapakita ng suporta sa ating mga anak, lalo na sa mga bagay na batid nating nagbibigay kasiyahan sa kanila.
Photo Credit: leandromunoz/Instagram
Mas maging malapit umano sa atin ang ating mga anak, kung makikita at mararamdaman nila na handa natin silang suportahan at tulungan sa lahat ng bagay na ikakasiya nila at ikaka-ayos ng kanilang mga buhay.
Photo Credit: leandromunoz/Instagram
“My point here is, kailangan talagang i-support natin what makes our children happy”
“Ever since na sinabi niya ‘yun, wala na, hindi na siya naging closet, hindi na siya nagtago”, dagdag pa nga ng dating aktor.



Sa ngayon nga, ayon kay Leandro ang kanyang anak na si Franckie ay 26-taong gulang na, at masayang namumuhay bilang isang transgender man. Nagpaplano rin umano ang kanyang anak na mag-aral ng psychology, kung saan ay nais nitong bigyan ng atensyon ang LGBTQ+Psychology.
Nagbigay rin ng maikling mensahe ang dating aktor para sa mga magulang na dumadaan sa sitwasyon na pinagdaanan nila ng kanyang anak na si Frankie. “So my message to everyone is, kung mayroon kayang anak who’s trying to come out, just support, give 100% support.” Ano ang masasabi niyo sa artikulong ito? At sa naging pagtatapat ni Leandro tungkol sa kasarian ng kanyang anak na si Frankie?


Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments