Kilalanin Ang Sikat Na Singer Comedian Na Rumaraket Sa Pagtitinda Ng Mga Kakanin At Palitaw

Isa na rito si Gladys Guevarra, na ipinagmamalaki ang kanyang bagong pagkakakitaan ngayon, matapos magsara ang comedy bar na kanyang pinagkukunan rin ng ikinabubuhay. Dahil nga sa krisis ay pansamantalang hindi nag-operate ngayon ang mga comedy bar, kaya naman ilan sa mga ito ay nagsara na.



Si Gladys Guevarra ay isa sa mga comedian-singer sa Zirkoh at Klownz comedy bar, na nagsara ng lamang nakaraang buwan. At dahil sa pangyayaring ito ay naisipan ni Gladys na maghanap ng panibagong mapagkakakitaan, hanggang sa nagdesisyon siya na magtinda ng mga kakanin, tulad ng palitaw, yema, puto cheese at salted eggs.
Ayon sa comedian-singer, siya mismo ang gumagawa at nagluluto ng kanyang mga paninda, kaya naman talagang malaking kasiyahan sa kanya ang malaman na talagang nasasarapan ang mga bumibili ng kanyang tindang pagkain.
Ngunit hindi nga talaga maiiwasan na may mga taong sadyang magbibigay ng mga negatibong komento.
Hindi nga nakaligtas si Gladys sa mga komento ng ibang tao sa kanyang bagong pinagkakakitaan. Sa kanyang social media account, ay ibinahagi ni Gladys ang kanyang naging encounter sa isang babae sa may talipapa, kung saan ay hindi ito makapaniwala na siya ay nagtitinda ng palitaw.
“Ha?! Eh di ba artista ka? Bakit ka nagtitinda ng palitaw? Ang sabi umano sa kanya ng babae. “Weh ano naman ngayon ate, naisip mo pa yun? Ang requirements bas a pagtitinda, kailangan hindi ka artista?”,ang naging kasagutan naman ni Gladys.
Ayon pa nga kay Gladys marami pa siyang mga nais itinda sa palengke o kahit sa online man, na kung tutuusin ay wala namang problema dun. Nilinaw din ni Gladys na noon pa man hindi pa nabuo ang krisis ay plano na niya talaga ang magnegosyo.
at unang pumasok sa isip niya noon ay ang pagtitinda ng barbecue sa harap ng bahay ko. Hindi nga lamang umano ito pwede, dahil ang kanyang mga kapitbahay ay puro mayayaman, tulad ng congressman, senators at mayors.
Para naman sa iba, ay isang mabuting ehemplo si Gladys para sa kanyang mga kapwa artista, lalo na sa kanyang mga kapwa entertainer na naapektuhan rin ang pamumuhay ng krisis.



Ayon pa nga sa comedian-singer, hindi kailangan mawala ng pag-asa, kailangan lamang makaisip tayo ng paraan upang magkaroon pa rin tayo ng ikinabubuhay sa kabila ng pagsubok na ating kinakaharap.

 

View this post on Instagram

 

Palitaw ❤ #chuchaydelicacies

A post shared by Gladys “Chuchay” Guevarra (@igladysguevarra) on

Hindi nga naman ibig sabihin na isa kang sikat o artista ay hindi ka na pwedeng magnegosyo ng naaayon sa gusto mo o hilig mo.


Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments