Alden Richards, nagpakita ng kabaitan nang subukan syang utangan ng malaking halaga ni Valeen Montenegro

Nakilala ang Kapuso actress at komedyante na si Valeen Montenegro hindi lamang sa kanyang kahusayan sa pag-arte at pagpapatawa, kundi pati na rin ang angking ganda at magandang pangangatawan nito na talaga namang hinangaan ng publiko.

Sa kabila man ng katanyagan sa kanyang karera ngayon, pinasok na din ni Valeen ang pagba-vlog at pinangalanan nito ang kaniyang mga supporters bilang kanyang “CamVals”.



Credit: Valeentawak Vlogs Youtube

Kaya naman bilang isang YouTube vlogger, sinubukan na rin ni Valeen gawin ang nauusong prank ngayon, na kung saan ay kunyari ay mangungutang siya ng pera sa isa sa kaniyang mga kaibigan sa showbiz na walang iba kundi ang mahusay na aktor na si Alden Richards.

Ayon kay Valeen, ito ang unang pagkakataon na gagawin niya ang pagpa-prank na hindi naman niya nakasanayang gawin noon.

Credit: Valeentawak Vlogs Youtube

Kaya naman upang maisakatuparan ang kaniyang plano, nagpatulong si Valeen sa kaibigan nila na sina Benj Manalo at Lovely Abella, na siyang magaling pagdating naman sa mga pranks.

Kabado man si Valeen sa kaniyang gagawin, sinimulan nya na ang kaniyang plano at tinawagan si Alden. Sa umpisa ng kanilang naging pag-uusap, binati muna ni Valeen si Alden, mula sa mga natanggap nitong karangalan at mga ginawang pagtulong nito sa ibang nangangailangan.



Credit: Alden Richards Instagram

Pagkatapos nito ay hindi na pinatagal ni Valeen at sinabi na kay Alden ang plano nitong pangungutang ng P500,000 na kunyaring gagamitin niyang pambayad sa renta ng kanyang condo unit.

“Eh hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako nakakabayad. Sobrang ayan, wala tayong work ngayon, so nahihirapan din ako with everything like rent, ‘yung mga bills and I think you know where I’m getting at,”

Credit: Alden Richards Instagram

“Sobrang desperate times lang talaga, kasi my condo is 80,000 a month tapos siyempre, nag-iisip na rin ako ng pwedeng paglipatan,”

Hindi nagtagal ay agad naman sumagot si Alden at kaniyang tutulungan umano si Valeen sa kailangang pera nito.
“don’t worry tutulungan kita diyan.”

Credit: Alden Richards Instagram



Sa huli naman ay inamin na din ni Valeen na “It’s a prank” lang ang kaniyang naging kunwariang panghihiram ng pera sa aktor.

Mula sa isinagawang prank ni Valeen, napatunayan ng aktres na totoong kaibigan si Alden at isang napakabuting tao, na handang tumulong sa nangangailangan.

The post Alden Richards, nagpakita ng kabaitan nang subukan syang utangan ng malaking halaga ni Valeen Montenegro appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments