Kilalang teen actress at dancer si Ella Cruz. Napakagaling nga naman na dancer ni Ella na hinahangaan ng lahat. Pero bukod sa kanyang talento sa pagsayaw, may naitatago pang galing si Ella.
Ipinakita ni Ella sa kanyang vlog na may halos 1 Million subscribers ang kanyang Motovlogs. Dito ay kanyang pinakita ang pagsasanay niya sa pagsakay at pagpapagana ng motorbike.
Pumunta sila ng Clark International Speedway para magtraining kasama ang kanyang mga magulang. Siyempre, full gear at lahat ng protective gears ay suot ni Ella.
“Eto na po! Navlog ko na ang pagmomotor ko tuwing nagtraining sa Clark International Speedway. Nagtrain ako with Zero2Podium at ang coach ko ay si Coach Joey Storm. Siguro kailangan sa susunod kong vlog kwento ko bat ako nagmotor o bat ako nagR3 agad. Pero since binabasa mo na to, share ko na rin konti,” saad ni Ella.
Gustong gusto talaga ito ni Ella at masaya siya sa kanyang ginagawa. Kaya naman, makikita mo sa video ang kanyang galing sa pagmomotor.
“Simple lang naman, gusto ko yung ginagawa ko at kaya ko. Matagal ko ng pangarap magmotor. Opo, di ko abot pero masosolusyunan naman. Kaya ako nagraride dito sa race tracks lang ay para matuto. Hindi pa ko nagmomotor sa kalsada, dahil ayoko pa. Isa pa po, sabi ng coach ko, kapag sanay na sanay na ako, kahit anong motor pa yan, kahit R1 pa yan, kayang kaya ko na kahit gano pa kalaki yung motor na yan,” dagdag pa nya.
New rider lang di Ella kaya naman nasa proseso pa siya ng training. At sa training ay hindi mo maiiwasan ang mga pagkakamali na matututunan at maitatama naman sa training.
“Alam ko lahat tayo eh may kanya kanyang opinion, lalo na’t marami tayong riders dito. Sana respetuhin natin ang opinion ng isa’t isa at yung sakin naman eh lahat nanggagaling sa aking school. Yun ang mga kaalaman ko, training ko… Kasi nga new rider lang ako. Ang ayaw ko lang eh yung maliit na nga po ako minamaliit niyo pa ko. KAYA KO YUNG R3 KO. Isa pa… Nagtraining palang ako… TRAINING. PRACTICE. ENSAYO,” pagdidiin ni Ella.
Sa bandang huli, makikita na sumemplang si Ella. Wala namang masakit o natamong sugat si Ella ngunit nagasgas ang kanyang motor. Sa kabila nito, natututo naman sya at tinuloy pa rin ang ensayo.
Narito naman ang naging komento at payo ng ilan sa mga netizens:
“Even professional riders ay nasisemplang din. We learn from our mistakes. Ok lang yan, that’s why we have gears for this purpose. Although, I think you should’ve probably train the basics like taking off, changing gears, down shifting, counter steering with smaller bikes so it’s much easier for you. So when you transition to your original bike you will just need to adapt to the height and power of the bike.
But hey, we all have our own preferences, I’m just giving my opinion, so take your time since you’re still a beginner. The most important thing as a rider is having confidence. Both with your bike and with yourself. Ride safe, Ella!”
“Sana all hahahaha i always dreaming about these seeing my self on a big bike racing on race track”
“The bike can be customised to fit the rider. Pwede ilowered yung suspension, then change the break and clutch levers para madali maabot and also the seat can also be modified so you can move freely when turning.”
The post Ella Cruz, tinuloy pa rin ang pag-eensayo sa pagmomotor sa kabila ng kanyang pagsemplang sa race track appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments