Silipin Ang Unang Pagsabak Ni JM De Guzman Bilang Isang Air Force Reservist

Sa kinakaharap ngayon na problema ng ating gobyerno dahil sa krisis na dulot ng Pandemic, ay marami sa ating mga kababayan ang nagbibigay tulong o di kaya naman ay lumalapit sa ating gobyerno upang makatulong sa bansa, at isa na nga sa mga ito ay ang aktor na si JM De Guzman.



Kamakailan nga lamang ay nag-training si JM De Guzman bilang Air Force Reservist, dahil sa kagustuhan niyang paglingkuran ang ating bansa.
Ang isang reservist ay isang kwalipikadong indibiwal na sumailalim sa masusing pag-eensayo at nagmimistulang reserba na ipinapatawag sa tuwing may panahon na nagkakaroon ng emergency ang Air Force.
Ipinakita naman ni JM sa kanyang Instagram ang naging training niya sa Air Force.
“Markmanship training course (BCMT) Air Force Reservist training. [Philippine flag]#happyindependenceday
Maging ang aktres na si RC Muá¹…oz ay kabilang rin sa mga nagtraining, at ito ay makikita sa mga larawan na ibinahagi ng aktor. Dalawang linggo nga matapos ang kanyang training ay agad na sumabak si JM na gamapanan na ang kanyang tungkulin, ito ay matapos siyang ipatawag ng Air Force upang magbigay ng tulong.
Muli ngang nagbahagi si JM ng update patungkol sa kanyang pagiging isang Air Force Reservist. Sa kanyang Instagram account ay ipinakita ni JM ang naging pagbabahagi nila ng mga relief goods habang nakasuot siya ng pang-military uniform.
“3rd relief operations for our 150 PWDs in Navotas with Airforce first Arcen, Lt. Col. Hermie Calubiran, 1st Lt. Shahani Ballares, Boy scouts of the Philippines council @hukbongjmofficial, Asec Kim De Leon @kimrobertdeleon and Cong. John ray Tiangco @matthewdeguzman @showtimestephanie”
Masaya ring ibinahagi ng aktor, na pinarangalan siya ng Boy Scout of the Philippines Navotas Council bilang isang honorary member. “Thank you too Boyscouts of the Philippines for making us honorary members in Navotas Council.”
Maging ang mga taong patuloy na tumutulong at nagbibigay ng donasyon para sa ating mga kababayan, ay hindi nakalimutang pasalamatan ng aktor.
“Thanks so much for the love and your dinations. #ToGodbetheGlory#WeleadasOne”



Samantala, dahil sa pagiging isang reservist ng aktor ay patuloy ang paghangang natatanggap niya mula sa kanyang mga taghanga at ang iba nga ay pinuri pa siya dahil sa naging desisyon niya na magbigay serbisyo sa ating bansa.
“You’re the man Kuya!!!’
“Sobrang fulfilling experience na naman.” “It’s fulfilling work JM. God bless you. To God be the glory!” Tunay nga naman na sa kahit anong pamamaraan kung nais nating makatulong sa ating bansa ay magagawa natin, tulad na lamang ng ginawang ito ni JM na sa kabila ng pagiging isa niyang aktor ay pinili rin niya na magbigay serbisyo sa ating bansa.


Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments