Scarlet Snow Belo, ipinakita kung paano gumawa ng isang inumin na mabisang pampalakas ng katawan at pampaganda pa ng kutis

Ngayong panahon ng C0VID pandemic, isa sa mga dapat bigyang pansin ay ang ating kalusugan. Bukod sa pagsunod sa mga alituntunin ng gobyerno para masugpo ang C0VID, ang ating personal na kalusugan ay dapat din nating pangalagaan.



Credit: Scarlet Snow Belo Instagram

Kailangan nating magkaroon ng malakas na immune system bilang panangga sa anumang klase ng sakit. Siyempre, una riyan ay ang pagkakaroon ng healthy diet.
Balansehin ang ating katawan sa ating mga kinakain at pag-iwas sa mga oily at junk foods.

Bukod pa diyan, ang regular exercise ay kailangang kailangan din natin. Ang mapagpawisan habang gumagawa ng nga mild exercise routine ay kailangan din ng katawan. Gaya ng push ups, sit ups at jogging ay malaking tulong.

Credit: @victoria_belo instagram

Bukod sa lahat ng ito, ang mga ibang mga alternatives ay pwede din nating gawin. Ang pag-inom ng mga healthy at fresh fruit juice ay malaking tulong din sa ating pangangatawan.

Credit: @victoria_belo instagram

Sa isang IG post ni Dra. Vicki Belo, makikita ang video ni Scarlet na magbeblend ng iba’t ibang mga gulay at prutas.



Credit: @victoria_belo instagram

Ang mga ingredients para sa healthy green juice ay ang mga sumusunod:

Apple, pears, celery, lettuce, coconut water, at lemon juice.

Credit: @victoria_belo instagram

Mismong si Scarlet ang naglagay sa pitcher at nagblend nito. Isinalin nya ito sa baso at ibinigay sa kanyang mommy na si Dra. Belo.


Bibong bibo namang ipinaliwanag ni Scarlet ang mga ingredients na ito. Makikita kung gaano nga ba kagaling si Scarlet. Nagpasalamat naman si Dra. Vicki sa kanyang sweet gesture na pagtitimpla nito.

Samantala, makikita din sa caption ang pagpapaliwanag ni Dra. Vicki sa health benefits ng juice na ito.



Credit: @victoria_belo instagram

“Did you know chlorophyll found in green juice is considered to be liquid sunshine ? This chlorophyll-rich drink strengthens your immune system , controls inflammation , and helps you achieve healthy glowing skin 🤍 #BeloBeautifulTips,” pahayag ni Dra. Vicki.

Kaya naman, pwedeng pwede din nating gawin ito at magkaroon ng healthier lifestyle.

The post Scarlet Snow Belo, ipinakita kung paano gumawa ng isang inumin na mabisang pampalakas ng katawan at pampaganda pa ng kutis appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments