Kathryn Bernardo, ipinakilala ang kanyang napakabait na ama at kung gaano ito naging supportive sa kanyang career at buhay pag-ibig

Si Kathryn Bernardo ang isa sa mga masasabi mo nga namang matagumpay na teen actress sa henerasyon na ito. Sa kanyang ganda at de kalibreng talento, ay makikita mo nga naman ang kanyang pag-usbong sa industriya.



Credit: @bernardokath instagram

Sa kaniyang pag-asenso, isa ang kanyang ama sa mga taong nasa likod ng kanyang tagumpay, at yan ay ang kanyang Papa Teddy. Bagamat hindi masyadong nakikita ang kanyang ama sa social media, ngayon ay siya ang makaka one-on-one interview ni Kath sa kanyang Youtube Channel.

Credit: Kathryn Bernardo Youtube

Suportado naman si Papa Teddy sa relasyon ni Kath at sa nobyo nitong si Daniel Padilla. Naitanong ni Kathryn kung paano daw ba hiningi ni Daniel ang approval ng kanyang ama.

“Show of respect lang. Alam niya ‘yung lugar niya. Hindi naman siya matanong, hindi rin mayabang. Swabe lang, okay lang. At saka ‘yung porma niya, hindi naman yabang ‘yun. Natural. Iyong iba, ‘pag makita mo, sabihin mo, mayabang. Hindi naman. Swabe,” kwento ng kanyang ama.

Credit: Kathryn Bernardo Youtube

Hinabilin din daw talaga ni Teddy ang kanyang anak na si Kathryn kay Daniel na baby niya ito at paka ingatan niya dapat ito.

Sa kwento naman ni Kathryn, hindi din naging madali ang pagkuha ng permiso ni DJ sa magulang ni Kathryn.



Credit: @bernardokath instagram

“It took him years. Kailangan talaga, ipakita ng lalaki ‘yung intention niya sa babae, na hindi lolokohin. Kasi mapi-feel ‘yun ng magulang, e. Feeling ko, pag naging magulang ako someday, ganoon din. Siyempre, protective ka,” kwento naman ni Kath.

Sa ngayon, namamalagi si Teddy sa Cabanatuan habang ang kanyang asawa at mga anak ay lagi sa Maynila dahil mas gusto ni Teddy ang peace of mind at simpleng buhay.

Credit: @bernardokath instagram

Tinanong naman ni Kath ang kanyang ama kung ano nga ba ang kanyang pangarap para sa kanilang pamilya.

“Dream ko lang naman para sa pamilya ko, maski hindi masyadong mayaman. Hindi tungkol sa pera. Basta ang importante, ma-satisfy ka. Kasi pag na-satisfy ka na sa sarili mo, happy ka na. Iyon ang importante: ang maging happy ka lang sa buhay,” pahayag ni Teddy.



Credit: Kathryn Bernardo Youtube

“Nakikita ko naman, because of Kathryn, tumaas ‘yung level ng aming living because of her. Napag-aral, napagtapos ‘yung mga kapatid niya because of her,” dagdag pa niya.

The post Kathryn Bernardo, ipinakilala ang kanyang napakabait na ama at kung gaano ito naging supportive sa kanyang career at buhay pag-ibig appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments