Dahil sa pagkakaroon pandemic Covid-19 sa ating bansa at saan mang panig ng mundo, ay nagpatupad ang mga gobyerno ng iba’t ibang bansa na ipagbawal muna ang pagkakaroon ng mga pagdiriwang upang maiwasan ang pag kumpol-kumpol ng mga tao, na siyang magiging daan upang mas kumalat pa ang virus.
Nakaranas tayong lahat ng pagkakaroon ng antala at hindi pagkakatulad ng mga inaasahan natin selebrasyon, pagdiriwang o pagbabakasyon at isa na nga sa mga ito ay ang pinaka-importanteng parte ng buhay sa pag-aaral ng mga anak natin, ang kanilang graduation ceremony o pagdiriwang ng kanyang pagtatapos sa elementarya, sekondarya, o kolehiyo man ito.
Ngunit kahit na hindi nagkakaroon ng graduation rites o ceremony, ay hindi naman mawawala sa mga magulang ang maging proud sa kanilang mga anak sa kanilang naging pagtatapos.
Isa na nga sa mga magulang na ito ay ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales, na very proud sa achievement ng kanilang mga anak.
Sa kanyang Instagram account ay proud na proud na ibinahagi ni Charlene ang achievement ng kanilang kambal na anak na sina Andres at Atasha sa pagtatapos ng mga ito sa senior high.
Narito ang naging post ni Mommy Charlene para sa kanyang kambal na anak;
“We are extremely proud of you!!! All the years of hard work paid off. Congratulations on your high school graduation.
Although, you may have not physically walked across the stage for the graduation ceremony, due to the global pandemic, it does not take away the many years of sacrifice, perseverance, defeats, victories & life lessons you’ve learned & continue to learn during your school life & life in general”.
“We love you so much!!! To all the 2020 graduates, you belong to a special graduation batch that will forever remembered to their courage, resilience and strength. Congratulations to you all and continue to inspire and be inspired. We salute you all #Classof2020#brentinternationalschoolmanila Love, Dad & Mom.”
Bilang isang magulang ay hindi nga matatawaran ang ligayang nadarama kung makikita natin ang ating mga anak sa mga nagiging achievement nila lalo na pagdating sa kanilang pag-aaral.
Kaya naman talagang napakasaya ng mag-asawang Charlene at Aga, sa naging pagtatapos ng kanilang kambal sa senior high at excited na rin sila kung ano pa ang mga susunod na tagumpay na mararating sa buhay ni Andres at Atasha.
Marami naman sa mga tagahanga nina Aga at Charlene ang nagbigay ng pagbati para naging achievement ng kambal na anak ng mga ito na sina Atash at Andres.
Source: Famous Trends
0 Comments