Sa buhay nga ng isang artista, ang pagkakaroon ng magandang career at maraming mga proyekto ay isang malaking biyaya, ngunit kapalit naman nito ay ang pagka-busy at kakulangan ng oras para sa pamilya.
Tunay nga naman na iba ang magandang naidudulot ng pagiging isang artista sa buhay ng isang tao, dahil sa trabahong ito, kapag masipag ka at pinag-igihan mo ang ginagawa mo at naging sikat at popular ka ay talagang gaganda ang buhay mo at makukuha mo lahat ng pangarap mo.
Ngunit, hindi nga naman lahat ng magagandang bagay ay naidudulot ng pagiging isang sikat na artista dahil kapalit ng nito ay ang kakulangan ng oras sa pamilya.
Isa na nga sa mga popular ngayon sa industriya ng showbiz ay si Nikko Natividad, na kilala bilang isa sa mga Hashtag member.
Inamin nga ni Hashtag member Nikko, na sa kanyang trabaho sa showbiz industry ay halos wala na siyang oras para sa kanyang pamilya dahil mas marami pa siyang oras sa trabaho kaysa sa loob ng bahay.
Kaya naman wala na rin siyang panahon na makabonding ang kanyang unico hijo na si baby Aiden, at madalas na gadgets na lang ang nilalaro nito.
Bago nga nagkaroon ng lockdown, ay napag-usapan na ni Nikko at ng kanyang partner na si Cielo Eusebio ang magbakasyon muna sa Brunei.
Kaya naman ng kumalat ang pandemic dito sa ating bansa ay nasa Brunei na si Nikko at ang pamilya nito. Ayon nga kay Nikko ay maayos ang katayuan nila sa Brunei, dahil hindi tulad sa Pilipinas ay hindi ito masyadong naapektuhan ng Covid-19.
Nito ngang nakaraang Father’s day, ay nagkaroon ng isang fun interview si Nikko, at ang mga katanungan sa kanya ng kanyang partner na si Cielo ay kung gaano siya ka-fare bilang isang ama.
Isa sa mga naging katanungan sa kanya ay “If he loves being at home with his family?”, na agad naman nitong sinagot.
“Love na love ko talaga. Siyempre, sa family hindi pwedeng hindi nag-aaway, sa bahay hindi pwedeng hindi nagsisigawan anak mo, pero part yun. Kaya sa mga gusto magkaroon ng family, nangyayari po talaga yun. Pero promise,kahit saan kayo nakatira, kahit anong ulam niyo, kahit anong pinagdadaanan niyo, happy talaga kapag kasama yung family.”
Itinanong din ng partner ni Nikko na si Cielo, sa kanya kung may pagkakataon ban a ayaw nito na magstay sa kanilang bahay.
“Hindi, hindi! Never! Bakit ko magiging hate? Ang ate ko lang siguro ang nangyayari. Hindi ako sanay na nagpaparami sa bahay kasi gustong-gusto ko magtrabaho eh, dahil ang tagal kong hinangad makapag-ipon.
Kumbaga, ngayon lang nangyari ang 2 months akong natengga na walang work na hindi lang naman ako ang nakaka-experience nito, pati yung ibang Pilipino, pati mga kasamahan ko sa showbiz”, naging sagot naman ni Nikko.”
Marami pa ngang napag-usapan ang dalawa tungkol sa kanilang mga natutunan sa pamahalaan nila sa bansang Brunei, at isa na nga pinaka-importante sa mga ito ay ang marealize ni Nikko kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng oras para sa kanyang anak.
Ibinahagi nga ni Nikko, na sa pag-stay nila sa Brunei ay mas nagkaroon siya ng bonding time sa anak na si Aiden.
“Sinasabayan ko yung gusto niya. Basta, katulad nun, sasabihin niya, Daddy, naglalaro ako ng Playstation. Pero gusto ko panoorin mo ko tapos magsalita ka ng magsalita, sobrang importante makipag-usap sa bata.”
“Wag niyong ipaparamdam sa kanya na… – aaminin ko nangyari dati na, ‘Daddy, nood tayo sa tablet ko. Eh dahil nga sap god sa trabaho parang, Aiden bukas na lang ah. Sige, manood ka na mag-isa. Nalulungkot siya. Ngayon, dahil nga may time na ako, nakikita ko na malaking epekto sa bata na ipakita mo sa kanya na interesado ka sa sinasabi niya.”
Ayon pa nga kay Nikko, na-realize din niya sa pagkakaroon niya ng oras sa kanyang anak na mayroon pala siyang mahabang pasensya, hindi tulad noon na halos nadadala niya sa bahay ang pagod at problema niya sa kanyang trabaho, na hindi pala dapat niyang ginagawa.
“Pero seguro, ang na discover ko dito, malaking ano pala epekto ng trabaho na dapat pala pilitin mong ihiwalay ang trabaho sa bahay. So, dapat bago ka pumasok ng pinto, maiiwan muna yung stress bago pumasok ng bahay. Katulad nito, lagi ako masaya kasi wala akong iniisip muna.”
Ang isa pa nga sa pinaka-nakakatouch na napag-usapan ay ang paghingi ni Nikko ng tawad sa kanyang anak, dahil sa kakulangan nito ng oras dito dahil sa pagiging busy niya sa trabaho.
“Uy! Share ko lang guys, ah! Nung binibihisan ko si Aiden, humingi ak ng sorry, ‘Aiden, sorry, ah.”Why Daddy? Tanong nito.
“Kasi nung nasa Philippines tayo, hindi kita nagpapakain, napapaliguan, lagi akong busy, tapos ayun niyakap niya lang ako.”
Marami nga sa atin ngayon, ang nakaka-realize na sa gitna ng nangyayaring pandemic ay may maganda rin itong naidudulot. Tulad ni hashtag Nikko, nawalan man siya pansamantala ng trabaho ay nagkaroon naman siya ng mahabang oras sa kanyang pamilya, higit sa kanyang anak.
Source: Famous Trends
0 Comments