Doug Kramer, naging emosyonal sa hinandang surpresa ng kanyang mga anak sa mismong araw ng kanyang kaarawan

Isa sa mga masasabi mo nga namang responsableng ama na sikat sa social media ay ang haligi ng Team Kramer. Makikita naman natin kung gaano siya talaga ka hands-on at katutok sa kanyang pamilya.



Credit: Chesca Garcia Kramer Instagram

Lahat ng kanilang pangangailangan ay talaga namang ibinibigay ni Doug sa kanyang asawang si Chesca at kanyang mga anak. Ano pa nga ba ang hahanapin mo sa kanya?

Kaya naman, sa espesyal na araw ni Doug ay talaga namang ginawang espesyal ito ng kanyang pamilya mula sa pagbati hanggang sa mismong pagdiriwang nito.

Credit: Chesca Garcia Kramer Instagram

Marami nga naman ang kinilig sa napakahaba pero puno ng pagmamahal na pagbati ni Chesca kay Doug sa IG. Pero syempre, ang pinakakinilig diyan ay ang birthday celebrant.

Credit: DougKramer Instagram

“Happy birthday sweetheart, @dougkramer!❤ You have everything you need in life-a growing faith in God, your family’s love and friends for keeps! ❤ We all love and appreciate you! 😊 I know you’re happy celebrating this quiet and intimate day with those that matter the most in your life… Just the way you like it. 😊,” mensahe ni Chesca.




“The kids and I are so blessed to have you and cherish every moment with you! ❤ To us every day is a celebration because we have you in our lives. You make everything extra special just by being all the wonderful things that you are! 😊 I love you baby! Happy birthday to you! 😘❤,” dagdag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

I’m not crying, you’re crying! 😂😍

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer) on


Maging ang mga anak ni Doug na sina Kendra, Scarlett at Gavin ay mayroon ding sorpresa sa kanilang ama.

Makikita sa IG post mismo ni Doug ang nakaka touch na presentation nilang tatlo. Maririnig ang kanilang hinandang awit na sila mismo ang kumakanta nito para sa kanilang daddy.



Credit: DougKramer Instagram

Pagkatapos nito, ay iniabot naman nila ang mga art works, letters na gift nila para sa kanilang daddy. Sa ganitong simpleng pamamaraan, ay talaga namang naguumapaw ang tuwa at galak ni Doug sa kanyang kaarawan.

The post Doug Kramer, naging emosyonal sa hinandang surpresa ng kanyang mga anak sa mismong araw ng kanyang kaarawan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments