Ang isang bagay na idinadaan sa panalangin ay sigurado nga naman itong makakamit. Sa tiyaga, sipag, pagpupursigi at pagtitiwala sa Diyos, paniguradong makakamit mo nga naman ito.
Gaya na lamang ni Dimples Romana. Napakarami nang dumating na mga blessing kay Dimples. Mga sunod sunod na proyekto noon, bagong bahay at ngayon ay nagkaroon na ng mango farm si Dimples.
“From city to the province, Counting our blessings. Focusing on the good For as they say, a heart filled with gratitude is a magnet for miracles,” kwento ni Dimples.
Proud na proud na ipinasilip sa atin ni Dimples ang kanyang mango farm. Sa loob ng apat na taon, opisyal na itong sa kanila. Ayon pa kay Dimples, tinawag niya itong “little haven of nature.”
“Proud of us @boyetahmee @callieahmee This mango farm is a property we prayed for and for four long years worked hard for and today we can officially call it ours. Our own little haven of nature, so i guess I can now call myself a plant mama too? ,” paglalahad ni Dimples.
Bunga ng panalangin itong mango farm na ito. Matagal na itong hiningi ni Dimples sa Panginoon. At dahil sinamahan ang dasal ng sipag at tiyaga, tiyak na naabot na nila ang kanilang pangarap na farm.
Lubos ang pasasalamat ni Dimples sa Diyos. Ganun din sa lahat ng mga taong naging bahagi at nakatulong ni Dimples sa farm.
“God is good. Maraming Maraming Salamat po Tatay Rene, Kuya Ipe and Ate Tina for making our dreams of owning a mango farm a reality, Ate Maya, Inay, @happygabby26 @wilsonmaullon for being with us on this journey And Tatay karding for taking good care of our sanctuary ,” pagpapasalamat ni Dimples.
Ngayon, ang tanong ni Dimples ay kung ano ang kanyang itatanim pa dito.
“now, what to plant next? Calling all plant mamas and plant papas , plantitos and plantitas help on what we can plant here? ,” tanong pa niya.
The post Dimples Romana, ipinasilip ang kanilang malawak na mango farm na opisyal na naging kanila matapos ang apat na taong paghihintay appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments