Ano pa nga ba ang mas sasaya sa simpleng buhay? Buhay na tila walang aberya, at hindi komplikado. Sabi nga nila, hindi mo kailangang maging mayaman o magarbo para sumaya. Ang mas mahalaga ay kasama mo ang mga taong nagpapasaya sa iyo.
Gaya na lamang ni Andi Eigenmann na masaya sa kanyang dalawang anak na sina Ellie at Baby Lilo at syempre sa kanyang partner na si Philmar.
Sa isang IG post ni Andi, pinatunayan niya talaga ang simpleng buhay. Hindi niya kailangang bumili nang bumili ng damit para sa kanila.
Sa katunayan, ang ilan sa kanilang mga damit ay nanggaling mismo sa kanyang aparador, ayon kay Andi.
Ang suot ni Ellie ay mga damit na ni Andi na nakakasya na sa kanya. Napakabilis nga naman ng panahon. Parang kailan lang nang napakaliit pa ni Ellie.
Habang si Lilo naman ay suot suot ang reusable diapers mula pa noong 90’s na nasinop daw ng kanyang ina.
“Glad nanay kept a bunch of my old baby clothes to pass on to my kids. Also glad-er that they are still in style! Admittedly, as eco- conscious as I have been, supporting fast fashion, to me, was always the hardest to let go of,” saad ni Andi.
So that little activity of ours was such a wonderful thing for us to try! Remember that it’s always better to contribute even something so little than doing nothing at all. One can be doing their best yet still not succeed in doing it completely, AND THAT’S OK.,” pahayag pa ni Andi sa kanyang IG.
Mabibilib ka nga naman talaga kay Andi sa ipinapakita niyang kasimplehan at attitude sa buhay. Makakatulong na sa kanila at maging sa kapaligiran.
“Kahanga hanga ka Andi one in a million ka..wag ka sanang magbago. Kinalimutan mong lahat ang mga materyal na bagay nabubuhay ng mga simpleng bagay nakakatuwa ang mga anak mo maganda at guapo..God Bless,” papuri naman ng netizen.
The post Andi Eigenmann, maagang tinuturuan ang mga anak sa pagkakaroon ng isang simpleng pamumuhay appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments