Sunshine Cruz at kanyang mga pinsan na sina Donna, Sheryl at Geneva Cruz, ginulat ang mga netizens sa ganda ng kanilang pagkanta ng magkakasama sa isang pambihirang pagkakataon

Sa isang pambihirang pagkakataon ay nakumpleto muli ang mga magpipinsan na sina Sunshine, Donna, Geneva at Sheryl Cruz sa isang natatanging collaboration. Sabay sabay nilang apat na kinanta ang kantang ‘Breathless’ na ginawa nila online sa pamamagitan ng isang online meeting application.



Credit: Sunshine Braden Cruz Instagram

Napakagaling nga naman nilang apat kumanta at kahit sa umpisa pa lang ng kanta ay talagang nakakabilib na. Hindi lang talaga magaganda silang magpipinsan, kundi pati ang gaganda pa ng boses at di matatawaran ang galing at talento sa pagkanta at pag-arte.

Credit: Sunshine Braden Cruz Instagram

Sa isang socmed account ni Sunshine Cruz ay dito ipinalabas ang kanilang pambihirang performance na may kasama pang live band na kuha rin sa nasabing post. Napakaganda nga naman talaga ng kanilang naging production at halatang napaghandaan talaga rin ng mabuti upang sa ikaliligaya ng kanilang mga fans at mga netizens.



Credit: Sunshine Braden Cruz Instagram

Narito ang naging post ni Sunshine Cruz sa kanyang socmed account:

“Breathless” with cousins Sheryl, Geneva and Donna

“Breathless” – The Corrs (Cover by: Sheryl Cruz, Donna Cruz, Geneva Cruz and Yours truly)

Credit: Sunshine Braden Cruz Instagram

Enjoy this collaboration of ours! A blessed Sunday to all. 😊❤ Thank you for making this collaboration into a reality, we really couldn’t have done it without you all.

Guitar/Video Editing/Vocal Mixing: Mark Flores (@markflo) Keyboards: Joseph Cruz Bass: Keisey Hicban (@keisey_hicban) Drums: Krister Castro (@kristercastro)

#cruzcousins2020 #buildingeachotherup @officialsherylcruz @donnacruzylarrazaba @genevacruzofficial @alvtalents


Narito naman din ang naging komento ng mga netizens sa kanilang naging performance:

“Waw! Super galing ng mga cruz ang gaganda pa!”



Credit: Sunshine Braden Cruz Instagram

“wow ang mga lodi q sayang makitang sama sama ang mag pipinsan na to!God bless keep safe”

“Ang galing pala ng mga boses ng mag pinsan”

The post Sunshine Cruz at kanyang mga pinsan na sina Donna, Sheryl at Geneva Cruz, ginulat ang mga netizens sa ganda ng kanilang pagkanta ng magkakasama sa isang pambihirang pagkakataon appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments