Kiray Celis, di makapaniwala sa bilis ng panahon nang magbigay sya ng napakatamis na mensahe sa kanilang 6th monthsary bilang magkasintahan

Sabi nila, ang tunay na pag-ibig ay natatamasa kapag tama ang lahat. Nandiyan ang tamang panahon, tamang tao at tamang lugar sa pagmamahal. Kapag nga naman lahat ng ito ay nagkatagpo tagpo, paniguradong makikita mo na ang tamang tao para sa iyo.



Credit: @kiraycelis instagram

Iyan naman ang pinanghahawakan ng dating child star at aktres na si Kiray Celis. Kalahating taon na rin simula ng i reveal ni Kiray ang kanyang status sa love life. At talaga namang loud and proud niyang sinabi na hindi na siya single.

Credit: @kiraycelis instagram

Siya ay masayang masaya na sa kanyang boyfriend at hanggang ngayon ay going stronger and deeper ang dalawa. Masayang masaya at mahal na mahal talaga nila ang isa’t isa.

Credit: @kiraycelis instagram

“Time flies when you’re in the place you’re meant to be.” TOTOO NGA! 💯 ang bilis ng panahon! Kalahating taon na tayo! Ang bilis ng oras at ng araw kapag nasa tamang tao ka. Tamang panahon. Tamang lugar. Tamang pagmamahal TAMA LAHAT! Mahal na mahal kita, @stephan.estopia!,” sweet message ni Kiray sa kanyang IG.



Credit: @kiraycelis instagram

Nagpasalamat din si Kiray sa kanyang napakagandang shirt. At pabiro pang sinabi na sa susunod ay apelido na ni Stephan ang nakalagay doon.


“Salamat @custome.ph sa aking shirt. Celis muna nakalagay for now. Balang araw apelido mo na! Huwaaaw! HAHAHAHAHA! btw, salamat sa lipstick ko, @mairile_! Order na kayo sakanya ng mga liptint at lipstick! Pak na pak! 😍❤,” pahabol pa ni Kiray.

Todo nga naman ang kilig sa kanilang dalawa. Lahat ay masayang masaya para sa kasiyahan ni Kiray. Sa wakas, the long wait is over nga naman sa kanya.



Credit: @kiraycelis instagram

Bagay na talagang ipinagpapasalamat nilang dalawa ang pagdating nila sa kani kanilang mga buhay. Sana all naman ang sigaw ng mga netizens dahil sa kilig.

Gaya ni Kiray, paniguradong darating din naman ang taong para sa iyo sa tamang lugar at panahon.

The post Kiray Celis, di makapaniwala sa bilis ng panahon nang magbigay sya ng napakatamis na mensahe sa kanilang 6th monthsary bilang magkasintahan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments