Sa isang pamilya, ay masasabi nga naman natin na ang pagkakaroon ng anak o sanggol sa loob ng tahanan ay siyang nagbibigay ng kulay at kasiyahan dito. Iba nga naman ang masarap ang kasiyahan ng isang mag-asawa kung ang mga ito ay biniyayaan ng mga anak na magiging happy pill nila sa loob ng kanilang tahanan.
Ganitong-ganito nga ang nararamdaman ng mag-asawang Korina Sanchez-Roxas at Mar Roxas ng dumating sa buhay nilang mag-asawa ang kanilang kambal na anak na sina Pepe at Pilar. Mula nga umano ng dumating ang kambal, ay tila naging buhay at napaka-busy na ng kanilang tahanan.
Matatandaan nga na noong February 12, 2019 ipinanganak ang kambal na anak nina Mar at Korina, na sina Pepe (Pepe Ramon Gerardo Manuel Denzel Sanchez Roxas) at Pilar (Pilar Judith Celia Esther Korina Sanchez Roxas) sa Amerika, at noong April 1, 2019 naman ang iuwi ng mag-asawa ang kambal sa Pilipinas.
Ipinasilip naman ng mommy ng kambal na si Korina Sanchez, ang kanilang tahanan na ngayon kung saan ay isa ng tahanan na puno ng saya at tawanan dulot ng anak nila ng kambal.
Ang masayang tahanan nina Mar, Korina at kanilang anak na kambal ay matatagpuan sa
Araneta-Roxas compound sa Cubao, Quezon City kung saan ay ito ang dating bachelor’s pad nina Mar Roxas, at yumaong kapatid nito na si Dinggoy. Kilala nga sa compound bilang “Bahay na Puti”, ang tahanan nilang ito, na may dalawang palapag.
Ayon nga kay Korina, sa ngayon ay hindi siya laging umaalis sa bahay kaya naman ang unang palapag ng kanilang tahanan ay nagsisilbing meeting area niya. Sa ikalawang palapag naman halos makikita ang kanilang mga kagamitan, at dito rin madalas na nag-stay ang anak niyang kambal.
OFFICE
Para nga kay Korina ang kanyang opisina ay siya ring nagsisilbing living at dining ng kanilang tahanan. Minsan ay dinadala rin niya sa bahaging ito ng kanilang bahay ang kambal, kapag siya ay may mga bisita na nais makita ang mga ito.
Ibinahagi naman ni Korina, na hindi madalas nagagalaw ang mga kagamitan sa kanilang bahay dahil sa hindi siya mahilig magpa-renovate at hindi rin siya fan ng Feng Shui.
Isang malawak na area nga ang unang palapag ng kanilang tahanan, na kung saan ay natatanaw mula rito ang magandang tanawin ng kanilang hardin.
TWIN’S NURSERY
Nitong taon nga lang na ito, isinaayos ang nursery room ng kambal , kung saan ay nilagyan ito ng veranda upang matanaw mula rito ang hardin.
Ayon kay Korina, ang silid na ito ng kambal ang isa sa mga paborito niyang silid sa kanilang tahanan at kahit mag-stay pa nga umano siya sa loob nito ng isang buong araw ay ayos lang basta’t nasisilayan niya ang napaka-cute nilang mga anak.
Neutral na kulay naman ang napili ni mommy Korina, na pintura sa nursery room na ito ng kambal.
Makikita rin sa silid na ito ang iba’t -ibang mga boy & girl items, ngunit mas lamang nga ang huli, dahil ayon kay Korina ay mas maraming natatanggap na regalo si Pilar kaysa sa kakambal nito. Siguro ay dahil sa mas maraming mga bagay na nabibili na pang babae kesa sa panlalaki.
Isa rin ngang praktikal na mommy si Korina, ayon nga sa kanya ay ng binili niya nag mga GAP brand na damit at gamit ng kambal sa Pittsburgh ay naka 40% sale ang mga ito.
Ang kanyang asawa rin umano na si Mar Roxas, ay may disiplina pagdating sa kanilang pinag-gagastusan at mahilig din umano ito na mag-recycle ng mga bagay na maari pang gamitin.
Kaya naman ilan sa mga booties at onesiea ng kambal ay kanyang ina-recycle upang magamit pa ng mga ito.
LIBRARY
Isang napakalaking library nga na tila isang malaking bookstore dahil sa dami ng mga aklat na nakaayos ng salansan ang makikita rito.
Ayon nga kay Korina, sa malawak na library na ito ng kanilang tahanan madalas ginagawa ang mga intervies o di kaya naman ay photoshoots.
Ilan pa nga sa makikita sa kanilang library ay ang mga 1st edition books ng ama ni Mar Roxas na si Gerry Roxas. Para nga umano kay Korina, ay isang napakahalagang lugar rin ang kanilang library, lalo na sa pagkakaroon nito ng mga lumang aklat na mula sa dating senator.
May makikita nga ring mga larawan at obra na nakasabit sa dingding ng library, ngunit ang nakaka-agaw ng pansin sa mga ito ay ang isang worn-out slippers na naka-framed na ayon kay Korina ay mula sa mga batang binigyan nila ng mga tsinelas , sa kanyang Rated K show.
Nagbebenta rin umano nila ang mga framed-slippers na ito sa halagang 25k ang isa, at kada taon nga ay ginagawa nga ng programa nila ang mamigay ng mga bagong tsinelas sa mga kabataang mahihirap.
Source: Famous Trends
0 Comments