Isa nga sa mga napag-aaralan sa eskwelahan ay ang pagtatanim at kahalagahan nito, kaya naman may ilang mga eskwela na ipinaparanas sa kanilang mga estudyante ang aktwal pagtatanim at pag-aalaga ng mga halaman upang mas malaman ng mga ito ang kahalagahan ng mga pananim.
Hindi nga naman lahat ay natutuwa o may hilig sa pagtatanim, ngunit sa panahon natin ngayon na nararanasan ng marami sa atin ang krisis at hirap ng buhay ay mas naunawaan ng marami kung gaano kahalaga sa isang tao ang kahit papaano ay may alam ukol sa agrikultura at pagtatanim ng halaman.
Tulad na lamang ng beauty queen na si Shamcey Supsup, kilala man bilang isang beauty queen dahil sa pagiging 3rd-Runner Up niya sa Miss Universe 2011 ay nalalaman niya kung gaano nga ba kahalaga ang magkaroon ng sariliv pananim sa loob ng bakuran ang isang tahanan.
Sa kanyang Instagram account, ay ibinahagi ni Shamcey Supsup ang kanyang backyard farm sa kanilang bakuran.
“You reap what you sow” LITERALLY! prior to moving to Manila. Evertyhing is available on our backyard, from vegetables to fruits and even meat. I remembered we would only go to the Supermarkets, once a month.” saad nga niya sa kanyang IG account.
Ibinahagi nga ng beauty queen na sanay siya at kinalakihan niya ang pagtatanim, at dahil namiss niya ito, kahit pannga nasa syudad na siya naninirahan ay talagang gumawa siya ng isang mini farm sa maliit na espasyo sa kanilang bakuran.
“Our backyard here may not be as big as the ones, at home but I’m still grateful we get to grow food. Our hatvest from outr little backyard farm became part of the 1000+ meals sent to our frontliners and essential workers thru @byahengbusog.” kwento pa nga ni Shamcey.
Marami naman ang humangang mga netizens sa beauty queen, dahil kahit pa nga ba isa itong kilalang personalidad sa showbiz ay alam nito ang kahalagahan ng pagtatanim, at kinahiligan pa niya ito.
Isang malaking tulong nga naman ang pagtatanim ngayon sa ating mga bakuran, dahil nakakatulog na tayo sa ating kalikasan, nasisisgurado pa natin na ang mga gulay at prutas na kinakain ng ating pamilya ay sariwa.
Ibinahagi rin ni Shamcey, na ang kanyang ama ay isang farmer, at ang kanyang ina naman ay isa rin sa mga may hilig at nahuhumaling sa mga halaman at pagtatanim.
Source: Famous Trends
0 Comments